NGAYONG nililitis na ang kasong murder laban kay Luciana Marchesa (Cherie Gil) na isinampa sa kanya ni Simon o Tenten (Enrique Gil) dahil sa involvement sa pagpatay sa kapatid na si Binggoy (Kean Cipriano), unti-unti na rin nalalantad ang tunay na pagkatao ni Tenten na siya ang nawawalang anak ni Luciana na napunta sa mag-asawang Taps (Rio Locsin) at Dodoy (Edgard Mortiz) na ngayo’y binigyan ng kaginhawaan sa buhay ni Vivian (Techie Agbayani).
Masakit para kay Luciana ang situwasyon kaya’t hindi nito maiwasang umiyak habang sinasabi kay Vivian na gustong-gusto niyang yakapin si Tenten pero hindi niya magawa dahil alam niyang kinamumuhian siya.
Sa tuwing nakikita siya ay naiinis sa kanya ang anak.
Paano kapag dumating ang panahon na malaman ni Tenten na ang babaeng gusto niyang ipakulong ay siyang tunay niyang Ina?
Samantala ayaw paawat si Tenten sa pangha-harass kay Serene (Liza Soberano) at gusto pa niyang gamitin sa kanyang negosyo ang dating karelasyon na kanyang minahal nang higit pa sa kanyang buhay.
Para matuloy na ang deal nila ni River Cruz (Joseph Marco) na mabili at mapasakanya ang inaasam na resort na pamana kay River ng kanyang grandparents ay kinausap ni Tenten si Serena at nakipag-deal siya na makipag-date kay River kapalit ng Villa Marchesa na pag-aari na ng binata.
Nang malaman ni Serena sa bibig mismo ni River na may usapan sila ni Tenten ay hindi siya pumayag.
Ngayon, binigyan na sila ng ultimatum ng tao ni Tenten na ide-demolish na sa loob ng dalawang araw ang kanilang Villa.
Pero ayaw tigilan ni Tenten itong si Serena. Nagyayaya pa siya ng date dito ngunit hindi siya sinipot. Hayun pinuntahan niya ito sa kanilang bahay at ayaw umalis hangga’t hindi nakikipag-usap sa kanya.
Lahat ng mga pangigipit ni Tenten sa pamilya ni Serena ay bunga ng kanyang paghihiganti sa nangyari kay Binggoy.
Lumambot pa kaya ang puso ng binata sa dati niyang mahal o tuluyan na siyang magpapadala sa emosyon at sa kanyang dibdib?
Subaybayan ang lahat nang ‘yan sa “Dolce Amore” na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na nangungunang action-drama series sa primetime ng Kapamilya network.
Mas intense pa ang mga susunod na m-ga tagpo sa Dolce Amore, kaya’t huwag kayong bibitaw gyud!
TEAM ABROAD FOR THE WIN NG EAT BULAGA MALAKING TULONG SA PAMILYA NG DABARKADS NA OFWs
Isang bagong public service segment ang inilunsad kamakailan ng favorite na noontime variety show na Eat Bulaga para sa milyon-milyong Dabarkads sa Pinas at iba’t ibang bansa na subscribers ng GMA Pinoy TV partikular sa Asya. Ito ang “Team Abroad For The Win,” na handog ng Bulaga para sa mga pamilya at mga kaanak ng Dabarkads na OFW sa bansa.
Napakadali ng mechanics nito, kailangan lang mag-register sa http:eatbulaga.tv/ofwday at presto kapag tinawagan ng iyong mga kinagigiliwang EB Dabarkads na sina Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo at Patricia Tumulak aba’y may chance ang lucky OFW of the day na manalo mula P10K hanggang P50K na puwedeng i-claim sa Broadway Studio ng EB ng mga mahal sa buhay.
Tulad ni Suelito Perez, 38 years old at laundry man sa Jeddah, Kingdom K.S.A. nang tawagan siya via video call at nang paikutin ni Ruby ang roleta instant wagi ito ng 10 K na ang asawa sa Capaz, Tarlac ang napiling tatanggap ng cash prize ni Suelito.
Noong Martes ang Dabarkads naman natin from Canada na si Darwin Bangaglag na nagtatrabaho bilang Chef sa isang restaurant na California Maki. Ang specialty ng mga customer ang pinalad na magwagi ng P20K at si Baste ang ini-request nitong mag-ikot ng kanyang Roleta. Ang premyong napanalunan ay ipapadala ng Eat Bulaga sa pamilya ni Darwin na nasa Cagayan Valley.
SHIELA MABUHAY PINASOK NA ANG CARINDERIA BUSINESS; JOHN NAKAAALIW ANG KABAKLAAN SA “CALLE SIETE”
Bago pinasok ni Shiela Mabuhay-Sebastian (Eula Valdez) ang negosyong karinderia, kumunsulta muna sa isang Fengshui master at presto nagtayo agad siya ng turo-turo sa harapan ng kanilang bahay at suportado siya rito ng kanyang Papa labs na si Mark (Christian Vasquez).
Hayun sa tulong ng mga kapitbahay sa Mabuhay compound ng Calle Siete na nagagandahang girls kasama ang kikay na si Margie (Rubi-Rubi) ay patok agad ang negosyo ni Shiela.
Samantala, sobrang nakaaaliw ang kabaklaan ni John Delloso (Lucky Mercado) sa family comedy-drama series na hindi maatim na patulan ang nagpapantasya sa kanyang si Bianca.
Agad tumalilis nang alis ang babae nang tilian siya ni John at prangkang sinabihan na nasusuka ito sa kanya. Si Barbie (Ryzza Mae Dizon) na nakababatang kapatid nina John at Jonas (Kenneth Medrano) ay nahuhumaling naman sa sikat na Boy Band group.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma