Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, sinita ni Maine sa pagpunta kay Tita Cristy

HOW should it work? Ang haba ng blog ni Maine Mendoza sa pagpapakilala ng kanyang sarili sa mala-nobelang pahayag niya sa isinulat na That’s How It Works!

In fairness she has a good command of English, ha! Pero sa mga sinabi niya sa isinulat niya na she is not in the industry to please people, at hindi siya puwedeng diktahan ng do this or that only showed na mali siya ng mundong pinasok.

Ramdam naman na sa kanyang isinulat na ang pinatungkulan niya eh, isang malapit sa kanya na sinita niya sa isang bagay na ginawa nito bilang paggalang sa isang nauna na sa kanya sa industriya, mukhang hindi nagustuhan ni Maine ang buweltang sagot sa kanya ng tinanong. Hindi raw kasi ito appropriate na gawin.

Simple lang kasi ang sagot sa kanya ng tinanong na “That’s how showbusiness works!”

Ginawa pang babae ni Maine ang pinatutungkulan ng kanyang pagtatanong na paninita. Pero kumalat naman na ang inusisa niya eh, ang partner niyang bumati lang sa may kaarawan na si Nanay Cristy Fermin.

At sa nangyaring ‘yun sunod-sunod na bashing na ang inabot nina Alden Richards, Nanay Cristy, pati ng katotong Roldan Castro na kasama ni Alden sa nasabing dinner na nagdala rin lang ito ng bouquet of flowers.

Sa mahabang litanya ni Maine na dalawang beses pang nagsingit ng French phrase na C’est La Vie, ibinalandra lang nito ang klase ng pagkatao niya na wala ngang sinisino at nirerespeto at wala ring bahid ng pagpapakumbaba bagkus ay nagmamataas na mabuti at walang pakialam sa sasagasaan.

Ayaw daw niya at hindi siya pretensiyosa kaya sabi niya sa kausap niya never niya itong gagawin just to please someone, just like what Alden did sa isang taong ang pagpitik-pitik sa kanya ay para rin sa kabutihan niya.

That wouldn’t and doesn’t work daw for a bratinela Maine.

Eh, ‘di wow!

Eh, ano pa masasabi niyo ngayon na dahil nga may breeding ang isang Alden, alam niyang may panahon para ibahagi niya ang pasasalamat niya sa press. Na talaga namang ibinuhos niya sa pag-share ng blessings dahil wala sa bokabularyo nito ang maging makasarili. He’s being blessed so he is paying it forward.

Ang sasakyang Jaguar na minsan na niyang nakita kay Willie Revillame eh, nakamtan na rin niya sa pagdidilang-anghel nito na balang-araw magkakaroon din siya nito.

Mas masarap naman ‘di hamak ang pakiramdam ni Alden dahil lahat ng dumating ngayon sa buhay niya eh, pinaghirapan niya. Dahil sa pagiging totoo niya sa lahat ng pagkakataon. Maski sa pekeng loveteam nila ng madakdak na ngayong si Maine!

Since pleasing people is not Maine’s cup of tea, why not lead her to the exit door to meet with the bashers she’s most comfortable being with!

‘Di ba? ‘Wag na natin imagine-in. Totohanin na. Sa puntong ito ba may kakamping press si Maine?

Kung wala eh, kawawa ka kasi mali na nga ang mga mangyayari sa next steps mo. Wala ka ng gabay, eh. Maski ‘ata manager mo suko na sa ‘yo.

Look back. Sa kapatid mo. Sa mga magulang mo…what were you to them?

‘Yun lang! Pinagtuunan namin ito ng pansin sa CristyFerMinute ni Nanay Cristy na natutunghayan sa AksyonTV at 92.3 News FM Lunes hanggang Biyernes 4:00-6:00 p.m..

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …