HINDI pa nagbigay ng eksaktong date at detalye si Rochelle Pangilinan sa planong pag-iisandibdib nila ng Kapuso actor na si Arthur Solinap.
Ani Rochelle, “‘Di pa namin napag-uusapan sa ngayon ang eksaktong petsa, pero definitely not this year ang wedding namin.
“Malalaman at malalaman naman ninyo if sure na sure na kami kung kalian, saan at iba pang detalye ditto.”
Dagdag pa ng 34-anyos na si Rochelle, ”Mag iipon muna kami ni Arthur para next year.”
Pagbibiro pa nito, ”Pagkatapos ng kasalan ay baby na agad, ha ha ha.”
Maaalalang noong Pebrero 20, nag-propose si Art kay Rochelle after ng mahigit pitong taon nilang relasyon.
Sa ngayon ay parehong abala sina Rochelle sa kani-kanilang show saKapuso Network.
MATABIL – John Fontanilla