Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arron kay Sylvia — Dapat galingan mo kung hindi, kakainin ka niya ng buong-buo

SALUDO ang young actor na si Arron Villaflor sa husay umarte ni Sylvia Sanchez na gumaganap na ina sa inaabangan at napapanahong teleserye mula sa ABS-CBN na mapanood bago mag-TV Patrol, ang The Greatest Love.

Tsika ni Arron, “Napakahusay ni Tita Sylvia kapag eksena mo siya dapat handa ka kasi ang galing niya.

“Masarap nga siyang kaeksena kasi mapu-push kang galingan kasi ‘pag hindi kakainin ka niya ng buong-buo.

“Saludo ako sa kanya sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang trabaho.

“Bukod sa sobrang bait niya ‘di lang sa akin kung hindi sa lahat ng bumubuo ng ‘The Greatest Love’.

“Grabe ‘yung transformation niya kapag nakasalang na sa camera, ramdam na ramdam mo ‘yung role na ginagampanan niya.

“Kaya nga happy ako na nakatrabaho ko si Tita Sylvia kasi alam kong marami akong matututuhan sa kanya.”

Thankful din si Arron sa pamunuan ng ABS CBN dahil binigyan siya ng panibagong proyekto na bukod sa maganda ang materyales ay mahuhusay pa ang kanyang mga kasamang artista. Mula kina Sylvia, hanggang kina Rommel Padilla, Matt Evans, Joshua Garcia, Dimples Romana, at Andi Eigenman at kapupulutan ng aral ng mga manonood.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …