Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

White taxi sa NAIA dapat piliin ni GM Ed Monreal

NAIINTINDIHAN natin ang pagnanasa ni Manila International Airport Authority (MIAA) GM Ed Monreal na maging maginhawa ang paglalakbay ng mga pasahero na dumarating sa NAIA.

Kaya nga gusto niyang i-decongest ang airport terminals sa pamamagitan ng pagpapapasok ng maraming taxi, including ‘yung white taxi.

Pero parang babalik na naman sa security problem ng mga pasahero.

Kumbaga mawawalan ng kontrol ang MIAA sa mga pumapasok na taxi sa airport kung ganyan ang gustong mangyari ni GM Monreal.

Kung sakali ngang magpapapasok ng white taxi, dapat ay piliin mabuti.

‘Yung may kredebilidad na white taxi at hindi ‘yung laging nai-involve sa mga hindi kanais-nais na insidente.

Baka kasi ang mangyari, na-decongest nga ang mga pasahero sa NAIA terminals pero dumami naman ang hindi kanais-nais na insidente gaya ng holdap, pagkawala ng mga bagahe at ‘wag naman sana rape at pamamaslang sa rape victim.

‘Yung Makati passengers nga nabibiktima ng mga notoryus na kriminal, ‘yun pa kayang pasahero o turista sa airport na kararating lang sa Filipinas? Marami kasing airport employees ang nakapuna sa ilang nanlilimahid na taxi pati driver nito e di ba ang airport ang show window natin sa mundo?

Kaya ang suggestion po natin, Mr. GM Monreal, pakipili po nang maigi kung sino ang dapat papasukin na white taxi.

Asahan po ninyo na makatututuwang kami sa magaganda ninyo proyekto para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Suportahan namin kayo diyan!

SINO NAGPAPUTOL NG PUNO
SA TOMAS MORATO QC??

Ka Jerry, bakit pinutil ilang matandang puno sa T. Morato QC? Si Mayor Herbert ba nag-utos nito?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …