Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jona, hinihimatay ‘pag sobrang taas na ng kinakanta

NAG-VIRAL ang video ni Jona na kumakanta si Jona ng usong-usong  Secret Love Song na sa bandang pinakamataas, ay hinimatay siya at bumagsak sa sahig.

Noong Linggo ng gabi ay naging guest si Jona sa Gandang Gabi Vice at muli niyang kinanta ang Secret Love Song.

Sa totoo lang, kayang-kayang kantahin ni Jona iyon na hindi bumabagsak at hinihimatay. Pa epek lang ni Jona na kunwari ay nahimatay siya dahil sa taas ng nota. Kita n’yo, nag-paid off naman ang kanyang drama. Bukod sa naging viral ay mas nakilala siya ngayon.

Sa naturang guesting ni Jona, pinakanta siya ni Vice ng isa pang mataas na kanta, ang Emotion ni Mariah Carey na sa totoo lang, kahit noong araw na ginagaya ko pa si Mariah (bilang Maria Kare-Kare sa mga sing-along bars) ay hindi ko talaga sinubukang kantahin dahil may parte na pataas ng pataas at may parteng pipito ka.

Ito ang binanatan ni Jona at in fairness kaya naman niya kaya lang bigla na naman siyang bumagsak at nahimatay.

Jawsko, baka mamaya niyan ay tuluyan siyang himatayin sa susunod, hehehe. O kaya  naman, baka masama ang pagbagsak niya sa semento, baka mabagok pa ang kanyang ulo, huwag naman.

Pero sa totoo lang, nakatutulong talaga ang naturang video para lalong makilala si Jona na kasama na ngayon sa ASAP bilang isa mga Birit Queen.

Sana mas sumikat pa si Jona.

Samantala, inamin ni Jona na lahi sila ng mga maliliit pero ‘di ba kahit maliit siya ay napakataas naman ng kanyang boses?

Bumawi siya sa boses.

Ani Jona, si Angeline Quinto ang pinaka-close niya ngayon palibhasa noong araw ay nagkakasama na raw sila sa mga corporate show.

Teka, bakit hindi si Kyla? ‘Di ba, magkasama sila noon sa SOP. Unang lumipat si Kyla sa Dos na sinundan naman niya.

Hmmm… mukhang magtutuloy-tuloy ang kanilang professional rivalry na originally from SOP to ASAP naman heheheh.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …