Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
coleen garcia

Coleen, magbibida sa kauna-unahan niyang MMK

#MMKKADENA Anak na ipina-ampon, nalulong sa alak, at kalauna’y nagkasakit sa pag-iisip ang papel na mapangahas na gagampanan ni Coleen Garcia sa kanyang kauna-unahang  MMK episode na pagbibidahan ngayong Sabado (July 23).

At sa nasabing episode rin muling magsasama sina Joey Marquez at Alma Moreno bilang mag-asawa!

Si Pauleen (Coleen) ay anak sa labas ni Bernard (Marquez). Dahil sa hirap ng buhay, napagdesisyonan ng ama na ipaampon siya sa kaniyang malayong kamag-anak na si Loling (Loli Marra).

Magpapatuloy ang buhay ni Bernard hanggang sa tuluyan niya ng naayos ang relasyon niya sa kanyang asawang si Melda (Moreno). Sila ay muling nagsama at nagkaroon pa ng mga anak.

Lumipas ang mahigit isang dekada. Muling nagpakita si Loling kay Bernard dala ang malungkot na balita. Nang malaman ni Pauleen na siya ay ampon ay naging pala-inom na ito at pinaniniwalaang gumagamit pa ng droga.

Para kay Bernard oportunidad na ito na makabawi sa anak. Kahit nasa pangangalaga na ni Bernard si Pauleen hindi pa rin nito napigilan ang sarili na bumalik sa mga nakasanayang ugali at bisyo.

Mahanap kaya ni Bernard ang tulong na kailangan ni Pauleen? Bubuti pa kaya ang kalagayan ni Pauleen?

Kasama sa episode ng MMK sina Jerry O’hara, Kristel Fulgar, Nikki Bagaporo, Amy Nobleza, Brace Arquiza, at Gilleth Sandico. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Elfren Vibar at panulat nina Mae Rose Barrientos Balanay atArah Jell Badayos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …