PROFESSIONALS, yes! Attitude, no!
Sasaluduhan nga sa lakad na ‘yun si Jaya. Na nakapagkuwento ng mga bagay tungkol sa paglipat na niya sa poder ng Cornerstone ni Erickson Raymundo. At ang pagiging Kapamilya na.
Hindi pa lang niya maidetalye ang mga kasunod na plano sa kanya bilang recording artist.
Si Morissette Amon naman pala eh, napipisil ng Disney para umawit ng kanilang mga theme song very soon. Kaya tatapak na rin sa international market ang dalaga.
Bow kami kay Randy Santiago na ang bigat-bigat ng dalahin pero pumayag na magtanghal sa isang malayong lugar kahit mapapalayo sa anak na nasa ospital ng mga sandaling ‘yun dahil sa MS (multiple sclerosis). Maya’t maya itong nasa cellphone niya at kausap ang doktor ng binatang anak.
May kwuento naman si Governor BB kina Imelda Papin at Marco Sison na talaga palang idols niya eversince. At matagal na niyang inire-request na maging panauhin si Imelda pero ngayon lang natuloy. Eduardo days pa lang daw nito eh nanonood na siya. At 7:00 p.m. pa lang ng gabi, may table na sila ng mga kasama sa pinakasikat na nightclub spot in the 70s.
Napaka-appreciative ng mga tao ng Carrascal. Hindi sila wild pero alam at kilala nila ang talento ng mga nagtatanghal sa kanila.
At kaya sila natuwa eh dahil sa mapagbigay na tropa ng mga artist na nakita at nakasalamuha nila. Except for one na talagang cordon sanitaire kug cordon sanitaire sa artist nila.
Protective barriers nga ba sila o silat?
Kaya hindi masisisi si Jobert Sucaldito sa litanya nila. And mind you, next year naibigay na ang kontrata kay Jobert for the next Pahinungod Festival para sa artists he will bring there because he delivered a good show!
HARDTALK – Pilar Mateo