Friday , November 22 2024

Si Presidente Digong Duterte lang ang nakaintindi ng ibig sabihin ng “executive”

NGAYON makikita ng sambayanang Filipino kung ano ang ibig sabihin ng “executive.”

Tanging si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte lang ang mayroong sapat na tapang, lakas, karunungan at pang-unawa para maliwanagan ng mga mamamayan kung ano ang ibig sabihin ng “executive.”

Siya ang presidente na hindi order nang order lang kundi kasunod ay aksiyon.

Hindi siya nagsasabi na gagawa siya ng batas, kundi ipinapatupad niya ang batas.

Sinabi niyang isusulong niya ang pinakamatinding giyera laban sa droga, hindi ba’t nangyayari na?!

(Sana lang mabingwit din ng operatives ‘yung talagang mga bigtime pusher).

Ngayon, sinasabi niyang bubusisiin niya ang pondo ng local executives lalo na ‘yung intelligence fund na hindi alam kung saan napupunta.

Grabe kasi ang pagkadesmaya ni Presidente Digong sa napakaruming Metro Manila.

‘Yung kahit saan siya masuling ‘e nakakikita siya ng tumpok ng basura. At malamang na nakita niya ‘yan diyan sa paligid ng Malacañang.

Mula Airport hanggang Malacañang tiyak nakitang lahat ‘yan ni Digong. Kaya siguro dumadalas ang pagsakit ng ulo ng presidente.

Hindi nga raw niya kasi maintindihan kung bakit natitiis ng isang local executive na makakita ng sandamakmak na basura sa kanilang lungsod.

Oo nga naman, daan-daang milyon ang pondo ng bawat bayan at lungsod sa garbage contractor/collection, ‘yung ibang siyudad nga, gaya ng Maynila ay bilyones na yata ang budget sa garbage contractor, pero hindi man lang tayo makakita ng kalye na walang kabasu-basura.

Suwerte nang makakita ng 10 truck na naghahakot kapag oras na nang hakot ng basura sa bawat distrito.

Kaya nga patok na patok ang kasabihang, may pera at may kumita nang malaki sa basura, kasi marami nang local executives ang tumiba riyan.

Mas malaki pa kasi ang tongpats (SOP) kaysa operational budget.

Meron ngang kompanyang nanalo sa bidding kahit walang truck na panghakot ng basura at wala rin paglalagyan ng hinakot na basura.

Kumbaga, kapag nakahakot nang isa, hindi na bumabalik.

At wala namang sumisita kung bakit hindi nahahakot ang basura.

Kasi ang importante, nahakot na nila ang komisyon at tongpats nila.

Ngayon, tingnan natin kung lulusot kay Digong ang mga bayan o siyudad na burara sa basura pero masinop sa bulsa.

Paano kaya sasampolan ni Digong ang mga local executives na ‘matakaw sa basurang’ ginagastusan nang daan-daang milyon?!

Dapat ang mga local executives na mapapatunayang kumita sa basura ‘e ilagay sa smoke chamber na ang methane gas ay mula sa basura.

Sampolan na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *