Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maging pastor sa hinaharap target ni Piolo Pascual (Sinungaling Mong Puso ni Rhian Ramos punong-puno ng drama at suspense)

MAY nagpapakalat ng maling tsismis sa social media na may malalang sakit si Piolo Pascual.

Pinalalabas na kaya umalis ng bansa ang sikat na actor na kasalukuyang nasa Europa ngayon ay dahil magpapagamot ng kaniyang karamdaman roon pero mabilis itong pinabulaanan ng anak ni Papa P na si Inigo Pascual.

Ayon kay Inigo, totoong nasa Europe ang kaniyang daddy pero bakasyon raw at pag-aaral ang pinunta nito.

“Right now, he’s in Europe, yeah he’s good. He’s actually studying as well, something about the Bible, about the Christianity.

“They’re a group, so I don’t know how that stuff came out,” nagtataka pang tanong ni Inigo kung saan napulot ng netizen ang tsismis sa kanyang ama at patuloy niya, “He’s okey! Actually that course, it is a fast course, but he plans to take up more courses.

“He will go to New York and plans to do new things.”

Ibig sabihin sa hinaharap ay target ni Piolo ang maging Pastor at magsilbi sa Diyos.

Mabuting tao si Papa P kaya bagay siyang maging misyonaryo gyud!

***

Para kay Rhian Ramos, very challenging na gampanan ang karakter ni Clara na unang ini-portray ng Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos sa blocbuster movie noong 90s na “Sinungaling Mong Puso” kasama sina Gabby Concepcion, Aga Muhlach at Aiko Melendez sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Sa TV remake ng Sinungaling Mong Puso, sina Rafael Rosell ang gaganap sa role ni Gabby bilang Roman Aguirre mula sa maimpluwensiyang pamilya na bayolente at babaero; at Jason (Kiko) na mas bata sa kaniya na makarerelasyon niya ang mga makakapareha ni Rhian.

Si Jazz Ocampo bilang Hanah na wife ni Kiko na gagawin ang lahat huwag lang maagaw ni Clara ang kanyang husband.

At para kay Rhian bukod sa big challenge sa kanya ang pagbibida niyang ito sa SMP ay may pressure sa kanya pero tine-take niya ito positively.

“Pressured ako since it’s Vilma, pero kasi the advice given to me is do it on my own way and hopefully people will find appreciation in the kind of labor I’ll be doing on it,” say ng Kapuso actress sa kanilang grand presscon na ginanap sa Le Reve Events Place.

Sa harapan ng lahat ng invited na entertainment press, ay pinuri ng director nilang si Ricky Davao ang kanyang acting dito sa Sinungaling Mong Puso.

Ayon kay Direk Ricky, may angking husay si Rhian na kanyang ipinamalas sa pagganap bilang Clara.

“Of course hindi ka si Ate Vi, pero Rhian ang galing-galing mo rito,” na ikina-flattered naman siyempre ng mahusay na aktres na pangunahing bida sa panghapong serye.

Masyadong madugo ang halos lahat ng mga scene rito nina Rafael at Rhian, bilang abused wife.

Lalo na noong malaman ni Rafael ang pakikipagrelasayon ng misis kay Kiko talagang ipinagulpi niya sa kanyang mga tauhan si Kiko.

Kahit pa siya womanizer, ayaw niyang pakawalan sa buhay niya si Clara na sa bandang huli ay siyang papatay sa kanya.

Samantala kabilang rin sa casts ng bagong soap sina Michael De Mesa, Glydel Mercado, Cheska Diaz, Sherilyn Reyes, Stephanie Sol, Gee Canlas, JC Tiuseco, Gab De Leon atpb.

Mapapanood na simula ngayong hapon, July 18 ang SMP pagkata- pos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.

Kalyeserye ng Eat Bulaga mapapanood pa rin araw-araw..
ALDEN AT MAINE MAGIGING MAGDYOWA NA?

Porke’t nag-celebrate ngayong buwan ng kanilang first anniversary sa Eat Bulaga ang tinaguriang phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza ay may mga nagpapakalat ng balita na tinapos na rin ng Bulaga ang sikat na KalyeSerye ng dalawa kasama ang dalawang sikat na lola na sina Nidora (Wally Bayola) at Tinidora na si Jose Manalo at iba pang karakter.

Paano tatanggalin ang kalyeserye, sa Bulaga e hanggang ngayon marami itong following at sponsors.

We heard, na mas lalo pang pagagandahin at marami kayong bagong mapapanood sa pangtanghaling serye, at simula na ‘yung pagkidnap kay Lola Nidora ng dalawang hindi kilalang lalaki.

At mukhang dito na rin magsisimula ang bagong istorya sa buhay nina Alden at Maine na bulung-bulungan ay magiging magdyowa na sa bagong chapter ng nasabing kalyeserye na gumawa ng sariling record sa mundo ng telebisyon.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …