Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub, Yes! Magazine’s Most Beautiful Stars for 2016; Pia, nangarap ding maging cover

00 SHOWBIZ ms m“HONESTLY nagulat ako.” Ito ang  tinuran ni  Maine Mendoza nang malaman niyang magiging cover sila ni Alden Richards ng 100 Most Beautiful ng Yes! Magazine.

Aniya, lagi raw kasi niyang nilulukot ang kanyang mukha (make face) kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat. “Pero siyempre, it’s an honor for us to grace the cover of 100 Most Beautiful.”

“Dream ko po ito!” sambit naman ni Alden dahil sa loob ng anim na taon lagi naman siyang kasama sa mga listahan ng 100 Most Beautiful. “Sabi ko rati, ‘kailan kaya ako mako-cover diyan?’ Ang hirap lang makapaniwala talaga na kami ang cover. Diyos ko, ang na-cover diyan, mga big star tulad nina Kris Aquino, ate Juday (JudyAnn Santos).”

Ang phenomenal loveteam na sina Alden at Maine ang cover ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars 2016 special issue.

Ayon kay Miss Jo-Ann Maglipon, Yes! editor in chief, “This is our subjective, collective list, borne of our criteria and taste, propelled by our own inner excitement about the people we write about.”

Sinabi pa ni Ms. Jo-Ann, “You go by the sales of Yes! Noong i-cover naming ang Aldub, sometime in October or November, umabot ang sales nila sa 250,000 next only to Willie Revillame. Ang Jadine (James Reid at Nadine Lustre) naman ay umabot sa 140,000 or… not so sure. Pero malayo talaga ang agwat ng AlDub.”

Ang special issue ngayon ng Yes! ay nagbibigay kahalagahan sa young at old newbies at veterans ng crazy at creative world ng showbiz.

Sa kabilang banda, ang pinakaunang naging cover ng Yes! 100 Most Beautiful Stars ay si Juday noong 2007 na sinundan nina KC Concepcion, Marian Rivera, Kim Chiu, John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Julia Montes at Kathryn Bernardo (magkasama sila), Sarah Geronimo, at Kris Aquino.

Napag-alaman din naming pangarap din pala ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na maging cover girl ng Most Beautiful issue ng YES! Magazine.

SHOBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …