Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, ninerbiyos kay Boyet

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT hindi sila gaanong nagka-eksena sa pinakabagong handog na pelikula ng Star Cinema kasama ang Ten 17 Films, ang Dukot, aminado si Alex Medina na ninerbiyos siya kay Christopher de Leon.

Ani Alex, magkakasama sila nina Boyet, ang kapatid niyang si Ping, sa pagkidnap kay Enrique Gil sa istorya na base pala sa true story.

“Kasama ko sila bilang bad guy and I’m one of them. Kailangan kasi naming ng pera para pampagamot sa tatay namin. Sa hirap kasi ng buhay ‘yun ang easy way out,”pagkukuwento ni Alex.

“Magkapatid din kami rito ni Ping, at si Boyet ay kaibigan ng tatay namin. Parang siya ‘yung magga-guide sa amin, s’ya ang tutulong sa petty crimes namin kasi kailangan namin ng pera,” sambit pa ni Alex.

Isang action, drama, thriller ang Dukot na pinagbibidahan din nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, Ricky Davao at iba pa.

Sinabi ni Alex na hindi naman siya na-intimidate kay Boyet,”Okey lang naman, nervous lang pero siyempre kailangan relax kasi natuto na ako although si Boyet nga ‘yun hindi ko na lang iniisip ‘yun kasi gusto ko mag-enjoy kasi maraming puwedeng laruin doon sa characters eh.”

At dahil magaling ding artista ang kanyang kapatid na si Ping, natanong naming siya kung hindi naman siya nahirapang makipagtrabaho sa kanyang kapatid. “Oo kasi nag-work na kami rati sa isang pelikula kaya okey naman.”

Mapapanood na ang Dukot sa Hulyo 13 na idinirehe niPaul Soriano.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …