Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 miyembro ng Briones drug/carnap gang patay sa QC cops

APAT hinihinalang miyembro ng “Briones drug/carnap gang” ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) District Anti-Illegal Drugs (DAID) at District Special Operation Unit (DSOU) sa isinagawang drug buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. UP Campus ng nasabing lungsod.

Sa ulat nina Supt. Robert Campo, DSOU chief, at Chief Insp. Enrico Figueroa, DAID chief, kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar,  ang napatay ay sina Ignacio dela Cruz, Earl Javier, isang alyas Jake, at isang alyas John.

Ayon kay Eleazar, dakong 1:30 am nang maganap ang enkwentro sa CP Garcia Avenue at Maharlika St., Brgy. UP Campus.

Nauna rito, isang pulis DAID na nagpanggap na buyer,  kasama ang isang asset, ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek para sa delivery ng 110 gramo ng shabu at nagkasundong magkita sa CP Garcia Avenue.

Dumating sina Dela Cruz at Javier sakay ng Toyota Innova (ZBL 969) sa lugar gayondin ang poseur buyer.

Nang magkaabutan, natunugan ng dalawang suspek na mga pulis ang kanilang katransaksiyon kaya nauwi ito sa barilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Makaraan, sina alyas John at alyas Jake na sakay ng isang motorsiklo at tumatayong backup nina Dela Cruz at Javier, ay agad pinaharurot ang motorsiklo para takasan ang mga operatiba.

Hinabol sila ng tropa ng DAID at DSOU ngunit sila ay pinaputukan ng mga suspek.

Pagdating sa Maharlika Road, nakorner ng mga pulis ang dalawa ngunit imbes sumuko, lumaban pa kaya napiltan ang mga awtoridad na sila ay paputukan.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …