Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joj at Jai, nag-agawan sa isang lalaki

ANG lalaki sa pagitan.

Ito ang kuwentong sasalangan ng tunay na kambal na sina Joj at Jai Agpangan ngayong Sabado, July 9, na episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya). Na magmamahal sila sa iisang lalaki.

Si June (Jai) at Jess (Joj) ay ang perpektong halimbawa ng kambal, hindi lang dahil sila ay magkamukha kundi iisa rin ang ugali nila. Pareho ng gupit, pareho ng panlasa sa pananamit, hanggang sa paghahati sa mga personal na bagay, hindi talaga mapagbukod ang dalawa.

Matibay ang samahan ng magkapatid pero hindi nila akalain na susubukin pala ito sa pag-aaral nila sa kolehiyo. Makikilala ni Jess si Luis (Ronnie Alonte) at mai-in-love sa kanya. Nag-aalangan si June kay Luis sa simula kung kaya’t mahigpit niyang binantayan ito pero naging malapit din sila sa isa’t isa kalaunan.

Sa hindi inaasahang pangyayari, aaminin ni Luis kay June na siya pala ang tunay nitong mahal at may plano pang iwanan ang kakambal niyang si Jess para sila ay magkasama.

Bibigay kaya si June sa kaniyang nararamdaman para kay Luis? Matatanggap kaya ni Jess na siya ay iiwan ni Luis para sa sarili niyang kapatid?

Kasama sa nasabing episode sina Anna Capri, Smokey Manaloto, MicahMunoz, Matet de Leon, at CJ Navato, sa ilalim ng direksiyon ni Raz De La Torre at panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag din itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ng libre ang latest episodes nito sa  wantv.com.ph oskyondemand.com.ph  para sa Sky subscribers.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …