Saturday , November 23 2024

Sa mga pagbabago sa MMFF: May advantages at disadvantages — Direk Tony Y. Reyes

00 SHOWBIZ ms mINANUNSIYO ng Metro Manila Film Festival 2016 ang restructure at ang mga kapana-panabik na mga stream of event na magaganap sa loob ng anim na buwan tungo sa pinakahihintay na movie festival na magaganap sa Disyembre.

Opisyal na binuksan ng MMFF ang refreshing at bagong season nito ngayong 2016. Sa misyong ipagdiwang ang artistic excellence ng mga Filipino at pag-ibayuhin ang sustainability ng Philippine film industry, inilunsad ng MMFF ang isang cinematic revolution o #reelvolution at lahat ay bahagi sa magandang pagbabagong ito.

Sa presscon ng launching ng MMFF 2016 #Reelvolution, nakausap namin si Direk Tony Y Reyes at natanong namin ito ukol sa mga pagbabagong magaganap sa MMFF gayundin sa pelikulang isasali nila ni Bossing Vic Sotto.

Sinabi ni Direk Reyes na isang Vic Sotto movie muli ang kanilang isasali sa MMFF, ”Pero hindi pa namin alam ‘yung genre o criteria na gagawin dahil ngayon lang namin nalaman ang sitwasyon plus may mga certain criteria na dapat sundin, so magbe-base kami roon,” panimula ni Direk at iginiit na hindi naman bago ang mga sinasabing changes sa MMFF.

“Actually hindi changes ‘yan eh, dati na ‘yan eh. Ang ano lang doon, there are advantages and disadvantages din sa sitwasyon. Kasi nga first problem kasi niyon eh, ‘pag finish product, you have to invest muna. Kung magkano ‘yung cost ng production, walang assurance na makukuha ang film mo,” anang director ukol sa mga pelikulang isusumite ngayon na dapat ay finish product ‘di tulad noon na script pa lamang.

“Ang isang magiging problema niyon, gagastos ng ganoon kalaki sa pelikula. Siyempre ‘yung iba magpapaliit muna ng budget para safe siya sa magiging sitwasyon. Not unlike kung script ‘yun, maganda na magpalaki ka ng sitwasyon.

“Plus, ang isa pang disadvante kasi, noon June pa lang alam mo na ang entries eh. So even kayo (entertainment press) marami kayong time to promote.

“This time ang sinasabi nilang submission of entries is on October 31 pa. Actually maganda pa ngayon kasi na-adjust ng October 31. Kasi noong unang announcement eh, September 28.

“So roon pa lang, kung September 28 ang submission at ang showing ay December 25, ilang buwan nakatago ‘yung pera mo? At the same time, how to promote it, ‘yun ang magiging problema mo.”

Naroon si Direk Reyes para maging representative sa gagawing pelikula ni Vic kaya natanong din namin ito kung continuation ba ng mga ginagawang pelikula ni bossing ang isasali nila sa filmfest?

“Baka, siguro, depende sa napakinggan naming criteria ngayon. Doon kami magba-base. Plus ‘yung scenario. Pero may maganda akong narinig ngayon na may ginawa silang ruling na one hour and fifty minutes lang ang running time. Maganda ‘yun kasi at least ang screening mo mga anim, a day. ‘Yun ang ilang changes na maganda.”

Idinagdag pa ng director na, ”I think they’re looking naman for a better changes eh. Kaya lang ang problema roon, mayroon ding mga mako-consider na disadvantages sa mga sitwasyon.”

At ang isa sa sinasabing disadvante ni Direk Tony ay ang safeguarding ng pelikulang ilalahok sa MMFF.

“Ang pinakaproblema, number 2 is safeguarding the movie. Paano? ‘Yun din ang gusto naming malaman kasi, isa-submit mo ang movie mo ng October 31 up to Nov. 11 ba ‘yun or hanggang mai-showing na siya ng festival na nasa kanila? Ano ang assurance mo na hindi mapipirata ‘yung movie mo?

“Hindi naman natin sinasabing mangyayari iyon ‘di ba? Ibig sabihin, ano ‘yung safeguarding and everything? Kasi kami wala kaming problema kasi lagi kaming may KDMP (windows Crush Dump File).

“Lets say ang showing mo is December 25 to January 10. Pagdating mo ng Jan. 10, nagse-self distruct ‘yung hard drive namin. Wala ka nang maipalalabas kasi nga nagse-self distruct. Paano ‘yung iba lalo na ‘yung independent films? ‘Yun ang gusto kong malaman kung paano nila maa- assure ‘yung bagay na iyon.”

Natanong din si Direk Tony ukol sa pagkakaiba ng indie movie sa main stream movie. Aniya, walang pagkakaiba ang dalawa. ”Indie is still a movie. Ang problema lang kasi even before na mag-start sina Peque Gallaga at ‘yung ibang gumagawa ng independent film,  sila ‘yung nagpa-fund ng movie nila. This time, ang naging problema, kawawa ang mga bata, walang funds eh. Kumbaga, sa ano, paano ka makabubuo ng pelikula sa P500,000 na budget lang? Kahit P2-M ‘yan ‘di ka makakabuo.

“Kaya nga noon, I think 2007 ‘yun, nag-create ako ng festival eh,  na anim na pelikula, kasa roon ‘yung ‘Dead na si Lolo’. Ginawa ‘yun para sana pag-asa kumite sa box office ‘yung mga indie movie na sinasabi,  least may market eh. Ang problema sa mga bata simula nang mag-create  ng indie, walang market creation, saan babawi ‘yun?

“Ang difference lang ng indie to main stream, kulang ng suporta at attention ang mga independent. Pero ang difference wala ‘yun.”

Sa sinasabing pagbabago sa MMFF ruling, ano ang masasabi ni direk Tony dtto?

“I think since nanganganay ito, ‘yun nga hindi ka naman totodo ng gastos mo tapos hindi ka naman kasama, saan ka lalabas? Kasi ang problema  your concept is based on the showing ng Christmas season at New Year. May touches ng ganoon. ‘Pag hindi ka nakasama, so wala ka na sa season at the same time, alam mo naman ang Pinoy ‘di ba ‘pag di nakasama, hindi na rin maganda, kumbaga, mababantilawan na ‘yung pelikula mo.”

Ukol naman sa sinasabing criteria? ”Halos the same walang problema.”

At ukol sa going global na, sinabi ng magaling na director na, ”Dapat noon pa nila ginawa ‘yun para may market na ang mga bata (baguhang producer) para mayroon silang additional income na makukuha. Hindi lang ang mga bata ang magbe-benefit diyan pati ‘yung mga main stream. Tayo na lang ‘yung walang market sa global eh.

“Sa amin kasi, mas maganda na kumita lahat para mas maganda ang takbo ng festival at ng industriya. If my memory is right, taong 1991 yata ‘yung kumita ang halos walong movies na kasali sa festival. Hindi na iyon naulit. Nakakalungkot. Sana lang mangyari uli ‘yun.”

At sa pelikulang isasali ni Bossing Vic, ”Comedy, definitely, walang mababago sa flavour ni bossing. Comedy and child friendly,” pagtatapos ng aming panayam sa premyadong director.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *