TODO arangkada.
Ito naman ang ibibigay ng muling isasabuhay na longest-running play ng The Library (Malate) ni Mamu Andrew de Real sa July 7, na Si Nura at si Velma…Ngayon!
Several years ago, ito ang sinundan ng mga babad sa The Library sing-along bar na nasa M. Adriatico pa noon.
During that time si Allan K. ang gumanap na Nura at si Lenard Obal naman si Velma. Istorya ito ng dalawang tagahanga—sina Mercy at Pinang na patalbugan ng patalbugan sa kasikatan ng kanilang mga idolo. Kaya pati ang mismong Superstar at Star for All Seasons at iba pang celebrities eh, hulog sa mga kinauupuan nila nang mapanood na ito sa mas malalaking venues na sinampahan gaya ng Music Museum hanggang sa ibang bansa.
Sa henerasyong ito, sina Teri Aunor at DJ Onse na pawang hosts ng The Library noon hanggang ngayon kahit may kanya-kanya na ring karera ang sasakay sa papel ng mga bagong tagahanga ng hindi na mapapalitan sa kanilang kinalalagyan bilang Superstar at Star for All Seasons.
At ang pinapalakpakan din sa husay ng idea niya bilang creator ng nasabing play na si Mamu Andrew na hindi nauubusan ng sari-saring klase ng komedya na tumbok agad ang gusto ng manonood. Phenomenal hit ito sa shows ng The Library na tatapatan ngayon ng dalawang magre-reprise nito.
Special guests sa show sina Michael Pangilinan at Boobsie Wonderland.
Kick-off pa lang ito for more of Si Nura at si Velma…Ngayon!
HARDTLAK – Pilar Mateo