Tuesday , November 26 2024

Online gambling ipinakakansela na ni Presidente Digong

MUKHANG muling masusubukan ang tatag at galing ni bagong Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea “Didi” Domingo sa maagang pronouncement ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte na ipinakakansela niya ang lahat ng online gambling.

Aba, ang ibig sabihin ba niyan lahat as in lahat-lahat nang online gambling gaya ng e-Games, e-Bingo, online sabong at online casino?!

Diyan natin masasabi na iba talaga ang adherence o malasakit na ipinakikita at ipinadarama ng bagong Pangulo.

Kultura at moralidad na ang pinag-uusapan dito kung tuluyan ngang ipakakansela ni Pangulong Digong ang ganyang mga uri ng sugal.

Hindi lamang simpleng laro sa pamamagitan ng sugal ang ipinatitigil ni Digong, winawasak niya ang isang kulturang daang-taon na nagpahirap sa maraming Filipino…

Ang kulturang maging palaasa sa suwerte at ultimong isusubo na lang para sa pamilya ay isusugal pa.

Hindi minsang ‘nabiktima’ ang maraming pamilyang Filipino na dating may magandang kabuhayan pero nagbagsakan dahil sa sugal.

Hindi rin iilan lang ang nagpakamatay upang iligtas sa kahihiyan ang sarili at ang pamilya.

Pabor tayo kung magiging seryoso ang bagong administrasyon sa adhikaing ito dahil sa online gambling nga naman ay nawawala ang limitasyon ng pagsusugal lalo sa mga kabataan.

Kumbaga kahit sino na lang, puwedeng mag-online game.

Sa mga private casino naman, doon naglalaro ang mga dayuhang Chinese sa loob ng VIP room under junket.

‘Yung isang Chinese maglalaro sa VIP room ng isang private casino, at habang naka-headset, kausap ang isa pang Chinese na nasa kanilang bansa na puwede rin niyang patayain at paglaruin.

O ‘di ba?

Mayroon bang sistema ang ating pamahalaan kung paano bubuwisan ang mga Chinese casino junket operator  na ‘yan?

Kasi nga naman, imbes kumikita ang PAGCOR, ‘e nagugulangan pa ng mga dayuhang naka-junket.

Chairman Didi Domingo, Madam, alam naming hindi superior ang height ninyo, pero marami na kayong pinabilib nang maging Immigration Commissioner kayo.

Gusto ulit namin bumilib sa inyo kung paano ninyo ipatitigil ang mga online gambling na ‘yan…

Go Madam Didi, go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *