KUWENTUHANG Kapamilya!
Matagumpay ang pagbisita ng host ng MMK (Maalala Mo Kaya) na si Charo Santos Concio sa Madrid, Spain para kumatok sa pintuan ng ating mga kababayan para sa mga istoryang ibabahagi nila sa nasabing programa. Sa pagdiriwang ng MMK sa ika-25 taon nito sa ere, ginagalugad nito ang iba’t ibang parte ng mundo para sa magaganda at puno ng aral na mga istorya ng buhay na mapapanood sa programa.
Sa unang Sabado ng Hulyo (2), magbabalik ang mahusay na aktres na si Jane Oineza kasama sina Amy Austria at Rhed Bustamante sa istorya ng isang nilalang na sa kabila ng kahirapan eh, inasam pa rin ang makatapos ng pag-aaral. At sa kabila ng pagiging hikahos na nasa punto na ngang walang matirhan, lalo lang pinatibay ang loob ng isang nilalang na ninais ang maging edukado sa kabila ng lahat.
Mula sa panulat ni Arah Jell Badayos at direksiyon ni Raz dela Torre saksihan ang pirinsensang nabuhay sa lansangan para magkaroon ng pinag-aralan sa tunay na kahulugan nito-the homeless graduate!
Ikaw ang bida sa kuwento ng iyong buhay!
HARDTALK – Pilar Mateo