Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, nangangarap na muling ikakasal

00 SHOWBIZ ms m“RELAXED.” Ito ang ginawang pag-amin ni Jodi Sta. Maria ukol sa kalagayan ng kanyang puso ngayon. Ang pag-amin ay nangyari sa Magandang Buhay kahapon sa mga host nitong sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal matapos aminin nito sa show ni Kuya Boy Abunda na hiwalay na sila ni Jolo Revilla.

Sinabi pa ni Jodi na nakikita niya ang sarili na muli siyang ikakasal matapos na hindi naging matagumpay ang kanyang kasal kay Pampi Lacson.

“Kasi I thought dati hindi na eh. Pero habang tumatagal, nandoon pa rin sa heart ko ‘yung desire to have a family,” giit ni Jodi na napawalang-bisa ang kasal sa anak ni Sen. Pampilo Lacson na si Pampi noong 2014.

“I also want to have more children in the future, ‘di ba, kung iaadya ng Panginoon. So ‘pag dumating ‘yung tamang tao,” sambit pa ni Jodi na may 11 taong gulang na anak kay Pampi, si Thirdy.

Sa ngayon, abala si Jodi sa pagpo-promote ng kanilang pelikulang The Achy Breaky Hearts kasama sina Ian Veneracion at Richard Yap na palabras na sa June 29 at idinirehe ni Antoinette Jadaone mula sa Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …