WALA pang bagong project si Judy Ann Santos sa ABS-CBN at ‘yung sinasabing movie na gagawin niya sa Star Cinema na balik-tambalan raw nila ni Piolo Pascual, ay agad pinabulaanan ng aktres dahil as of now, hindi pa raw siya ready sa movie nila ni Papa P dahil medyo nadagdagan siya ng timbang pagkatapos makapanganak.
Hindi rin daw siya (Juday) kaagad-agad makapag-diet dahil CS operation siya, so ayaw raw niyang magmukhang clown siya ni Piolo kaya kailangan paghandaan raw talaga ang project.
Pero may bagong indie movie si Juday na “Kusina” na entry niya sa Cinemalaya Festival at si Luis Alandy ang leading mans. Shocking ang karakter ng aktres dahil kalaguyo niya si Luis sa movie na siya mismo ang nag-finance at nag-produce.
Well good luck gyud!
Bagong serye mapapanood na sa GMA afternoon prime
“SA PILING NI NANAY” REUNION PROJECT NINA YASMIEN, KATRINA AT MARK
PAWANG produkto ng Starstruck ang mga pangunahing bida ng “Sa Piling Ni Nanay” na sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Mark Herras kaya’t masaya ang tatlo at muli silang nagkasama sa bagong project sa GMA-7.
Dito sa Piling Ni Nanay, muling ipamamalas ni Yasmien ang kapasidad niya na gumanap ng heavy drama role at eversince, ‘yun talaga ang forte ng Kapuso actress dahil magaling siya sa aspetong ito.
Inspirado si Yasmien sa bagong project na ipinagkatiwala sa kanya ng mother network.
“‘Yung theme talaga is different. Everytime na tatanggap kami ng role, gusto namin makita ang flow ng story. Na-inspire ako dahil maganda talaga ang istorya,” sabi ng aktres sa grand presscon ng kanilang serye.
Bale ang katatapos lang na The Millionaire’s Wife ang papalitan ng timeslot ng SPN at excited na si Yasmien rito.
Ganado naman ako sa bawat role. Siguro itong Sa Piling ni Nanay, it’s very challenging, kasi challenging siya in a way kasi na kailangan ipakita ang pagmamahal pero nilabag pa rin ang kontrata.
Medyo malayo siya sa real character ko sa totoong buhay. Pero ‘yung challenge doon ‘yon ang nagpapalapit sa puso ko,” eksplanasyon niya.
Sobrang naa-appreciate pala niya ang suporta ng GMA sa bago niyang series, “Oo naman po. Lagi naman nila akong sinusuportahan. Lagi nila akong inaalagaan,”
“Nang mag-decide akong bumalik, tinanggap nila ako agad at binigyan ng role sa primetime, Rhodora X,” ani Yasmien.
Sa SPN, lalabas siyang surrogate mother, ipagbubuntis niya ang magiging anak ni Katrina. Kaya ba niyang gawin ‘yon para sa iba?
“Kaya ko naman pong gawin ‘yon kung makapagbigay ako ng ligaya sa ibang tao. Pero kapag napahamal na raw sa kanya ang batang ipinagbuntis ay mahirap sa kanya ang sitwasyong gaya noon,” pahayag ni Yasmien.
Dito sa Piling ni Nanay, gagampanan ng aktres ang role ni Ysabel, isang single mom sa anak na si Maymay. Siya ang personal assistant sa sosyalerang si Scarlet (Katrina).
At dahil hindi nga magkaanak, kukumbinsihin ni Scarlet si Ysabel na maging surrogate mother sa anak nila ni Jonas (Mark) kapalit ng malaking halaga.
Papayag si Ysabel dahil kailangan niya ng pera para sa bone marrow transplant ng kanyang anak. Ngunit mamamatay din ang anak ni Ysabel sa aksidente. Dahil sa matinding depresyon at kalungkutan, babawiin niya ang surrogacy agreement na ikagagalit nang todo nina Scarlet at Jonas.
Pero paano pa kapag nalaman ni
Scarlet na may lihim palang pagmamamahal ang kanyang mister kay Ysabel? Dito na magsisimula ang twist and turns ng kuwento. Asahan ang ayaw paawat na sabunutan, sampalan at matitinding confrontation scenes ng tatlong mga karakter sa nasabing serye.
Nasa cast rin sina Nova Villa, Bettina Carlos, Antonio Aquitania at Sofia Jayzel Cabatay sa ilalim ng direksiyon ni Gil Tejada, Jr. Magsisimula ito ngayong June 27 sa GMA Afternoon Prime after Hanggang Makita Kang Muli.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma