Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
alden richards

Alden, maglilimbag ng libro

NAKABIBILIB naman itong si Alden Richards. Halos hindi na nga magkandaugaga sa rami ng commitments, may time pa para sumulat ng libro. Actually, autobiography ito ni Alden.

Marami pa tayong hindi alam sa buhay ni Alden. Ang akala ko, ‘yung mga naipakita sa Magpakailanman  ay ‘yun na pero tip of the iceberg lang iyon. Marami pang kulang at ito ang mababasa sa kanyang libro.

Bago naging artista si Alden, sumali muna siya sa mga pageant.

2 Pinay, wagi sa Mrs. Asia International 2016

BINABATI ko ang buong team ng Megastar Production ni Ovette Ricalde dahil pumuwesto sa katatapos na Mrs. Asia International 2016 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia ang dalawang Pinay. Ang mga ito ay sina Vivian Yano at Riza Asa.

Si Vivian, 46, ay tubong Surigao pero nakabase ngayon sa Japan bilang businesswoman. First time lumaban ni Vivian sa pageant pero nakopo agad niya ang titulong Classic Mrs. Asia International Cosmopolitan. Nanalo rin siya bilang Mrs. Ambassador at Mrs. Popularity.

Samantala, si Riza, 54, ay nakabase naman sa Portland, Oregon dahil mayroon siyang Home Care roon. Nagwagi si Riza bilang Classic Mrs. Asia-Tourismgayundin bilang Mrs. Goodwill Ambassador at Most Beautiful Body.

Nakatutuwang interbyuhin si Vivian dahil natural na natural. Sabi nga niya, pag-uwi niya sa Surigao ay magpapa-ihaw (ihaw ha, hindi lechon) siya ng isang kalabaw at pagsasaluhan ng nilang magkakamag-anak at kaibigan.

Si Riza naman, kahit matagal nang naninirahan sa Portland, nananatili ang Pinoy style niya.

Ipinagmamalaki ni Riza ang Pilipinas lalo na ang ating mga beach.

Marami ring natutulungang mga Pinoy si Riza sa America na magkaroon ng sariling home care pagkatapos manilbihan sa kanya.

Malaki ang pasasalamat ng dalawa kay Tata Saguin na siyang nagturo ng pagrampa sa kanila.

Congratulations to both of you, Vivian and Riza!

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …