Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team Real book nina James at Nadine, sold-out agad

00 SHOWBIZ ms mBAGAMAT nakangiti at bigay-todo sa pagkanta, halatang-halata ang pagod kina James Reid at Nadine Lustre nang dumating sila sa book launching ng kanilang Team Real na ini-release ng VRJ Books sa La Reve Pool &Events Place. Lagare kasi ang dalawa sa show sa ABS-CBN at book launching.

Ang Team Real ay full-color book na may 120 pahina. Makikita sa libro ang ukol sa bahay, fashion, beauty at fitness, at pop culture favorites nina James at Nadine. Itinatampok din sa libro ang mga naging travel nila sa ibang bansa kasama ang mga never-before-seen private images na sila mismo ang kumuha. Kasama rin ang maraming litrato na kinunan para lamang sa proyektong ito.

“The book is your window into our minds, our untold stories, and unseen photos,” ani James. ”The pictures come from us and the words, from our mouths. Nadine and I were completely involved.”

Isa nga sa nakatutuwang istorya sa loob ng libro ay ang ukol sa kung paano sila na-in-love sa isa’t isa. Roon ay binalikan nila ang mga iba’t ibang perspective nila sa buhay.

“You hold in your hands a book where I revel everything about myself—stuff you didn’t know about, stuff you didn’t expect, stuff you though would never happen, and stuff you wouldn’t believe happened,” sambit naman ni Nadine sa kanyang Foreword sa libro. “I want you to be inspired, and I hope you see James and me as normal people who have struggles and challenges.”

Tunay na nakakikilig ang bawat pahina na nagpapakita at nagpapakilala sa kung sino sina James at Nadine. Kaya hindi na nakapagtataka na talagang dinumog ito ng kanilang fans nang ilunsad sa Market Market kamakailan.

Ayon kay Leigh Legaspi, Viva Vice President for Marketing, ang Team Real and biggest-selling book nila this year dahil sa 100,000 copies na nabenta.

Sinabi naman ni Ms. Veronique del Rosario, na pinagkaguluhan na agad ang libro hindi pa man naire-release kaya nga agad itong naging sold-out isang oras matapos itong gawing available bilang pre-order pa online.

Ang libro ay mabibili sa National Book Store at Powerbooks branches nationwide. Ito bale ang ikaapat na librong ini-release ng VRJ Books. Nauna na ang Conversations Pa More ni Ricky Lo, Direk 2 Da Poynt niWenn V. Deramas, at ang Para sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III.

Naikuwento naman ni Ms. Legaspi na totoong pagod ang dalawa dahil sa kabi-kabilang commitment. ”Pero this July, magpapahinga sila. ‘Yun talaga ang ini-request ni James, to have a vacation this coming July.”

SHOWBI KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …