Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara, kasa-kasama ni Arnold sa pagpapa-chiro

ANGELS in disguise.

‘Yan din ang masasabi sa mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher na isang chiropractor!

Sa pamamalagi na nila sa bansa gustong palaganapin ni doc Rob ang kaalaman ng mga tao sa kahalagahan ng spine alignment sa ating katawan kaya maya’t maya silang naghahatid din ng kanilang health and wellness advocacy sa iba’t ibang lugar.

Para matanggal din ang stress niya, pinaunlakan na ni Nanay Cristy Fermin ang paanyaya ng mag-asawa para sa kanyang spine alignment na naganap naman kamakailan.

Natawa si Nanay Cristy nang malamang nauna lang ng ilang minuto sa kanya siAra Mina na kaibigan naman ng mag-asawa.

Natawa si Nanay Cristy dahil ang sinamahan pala roon ni Ara eh, ang broadcaster na si Arnold Clavio. Pangalawang beses na nga raw na nagpapa-treat ni Arnold kay doc Rob that night.

Nalaman pala ni Ara na darating si Nanay Cristy at nagmadali na nga raw itong umalis.

Bestfriend ni Nanay ang ex at ama ng anak na si Amanda ni Ara na si Patrick Meneses.

Sabi naman ng mag-asawang Walcher, magkaibigan ang pagpapakilala sa kanila nina Ara at Arnold!

Kaya maniniwala ba tayo?

Natuwa si Nanay Cristy kina Patricia at Doc Rob at niyaya niya itong mag-dinner sa kanyang Mga Obra ni Nanay Gallery. Kaya isang malaking painting ng mga Koi ang regalo niya para sa tahanan ng mga Walcher. Nakita niya raw ang pag-appreciate ni Patricia sa paintings dahil isa rin itong pintor.

Angels ang mag-asawa. Disguised or in the guise of what naman sina Ara?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …