Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, pangarap maka-duet ni Tyrone Oneza

ANG nag-iisang Superstar daw na si Nora Aunor ang matagal ng paboritong babaeng artista ng tinaguriang King of Wheel of Fortune sa Facebook, ang singer na si Tyrone Oneza.

Kaya naman sa pagbabalik nito sa Pilipinas ay ang Superstar ang gusto niyang makasama sa ipo-produce niyang indie film.

“Gusto kong makasama si Nora aunor, dahil ‘pag siya nakasama ko parang fulfilled na ‘yung mga pangarap ko.

“Isa siya sa gusto kong artista noon kaya naman kung magkaka-pelikula ako si Nora ang gusto kong makasama.

“Sana makasama ko siya sa gagawin kong indie film, sana pumayag siya.”

Sinabi pa ni Tyrone na si Angeline Quinto naman ang showbiz crush niya. “Si Angeline Quinto naman ang sobrang crush at idol ko.

“’Pag natuloy ang plano kong magka-concert siya ang gusto ko makasama at maka-duet.”

Any day from now ay darating na sa bansa si Tyrone para isakatuparan ang kanyang mga plano, ang magkaroon ng sariling recording outfit at movie production.

MATABIL –  John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …