UMABOT na sa kalahating milyon ang “likers” ni Maine Mendoza sa retrato habang nagre-recording sa isang studio na naka-post ngayon sa official Facebook account ng Eat Bulaga.
In fairness bukod sa pagda-dubsmash ay may hidden talent rin pala si Yaya Dub sa singing at ang ganda ng pagkaka-record ng awiting “Imagine You and Me” na themesong at title rin ng movie nila ng kalabtim na si Alden Richards na ipalalabas sa mga sinehan simula Hulyo 13.
Ang edge pa ng song ay original composition ito ni Maine na nilapatan ng music ni Bossing Vic Sotto at inareglo ng famous musical arranger na si Jimmy Antiporda. May dalawang version ang theme song ng AlDub movie, isang solo ni Maine at isa pang duet nila ni Alden.
Nang ini-introduce ni Alden si Maine para kantahin sa studio ng Eat Bulaga ang Imagine You & Me ay tahimik ang buong Broadway Studio habang nakikinig sa pag-awit ni Yaya Dub, dahil first time na mapanood siyang kakanta at marinig ang tunay niyang boses.
Hiling ngayon ng fans, sana mabigyan ng solo album si Maine tulad ni Alden na tumanggap na
ng ilang platinum award.
‘Yung KalyeSerye naman ng dalawa sa Eat Bulaga ay patuloy pa rin tinatangkilik ng mga manonood. Sa katunayan, tumanggap ng parangal ang utak sa likod ng tagumpay na Kalyeserye na si Ma’am Jenny Ferrer, sa 2016 Global Pinoy Awardees ng Mega Magazine sa 7th Pinoy Pride Ball nitong Philippine Independence Day celebration. Kabilang siya sa Global Pinoy Awardees.
Ang Kalyeserye ang naging simula ng phenomenal tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza na ngayon ay pareho nang in-demand product endorsers sa bansa at tinatangkilik ng milyon-milyong fans sa Eat Bulaga.
Panalo gyud!
COCO MARTIN NAG-SHOOT SA JAPAN NG KANIYANG FPJ’S ANG PROBINSYANO
Pagkatapos mamahagi ng Idol ng Masa na si Coco Martin ng 800 school bags sa 800 mag-aaral sa Paradise Farm Elementary School sa San Jose Del Monte, Bulacan na naglalaman ng school supplies, kapote, tsinelas at iba pang gamit eskuwela, ganoon rin ng 18 units ng electric fan at ilang box ng teaching aid para sa mga guro, umalis ng bansa si Coco at nagtungo ng Hong Kong para mag-shoot ng ilang eksena niya sa sariling action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na consistent number one teleserye sa ABS-CBN Primetime Bida simula nang umere last year.
Mahahalagang eksena ang kinuhaan sa aktor na ang subject ay panghahanting niya kay Mon Cionfiado na kabilang sa mga nagtutulak ng droga sa nasabing bansa at sa Pinas.
Kasabwat niya ang magandang si Martha (Angelica Panganiban) na matinik pagdating sa bentahan ng illegal drugs.
Uy, humamig pala ng mataas na rating ang pag-amin ni Makmak sa kanyang Kuya Cardo (Coco) na bakla siya. Umani ng papuri ang makabagbag damdamin eksena ng dalawa lalo nang tanggapin ni Cardo ang buong pagkatao ni Onyok at itinuturing rin niyang anak sa serye na mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol.
NAKITAAN KASI NANG CHEMISTRY, EULA AT CHRISTIAN BALIK-TAMBALAN SA “CALLE SIETE”
Dahil nakitaan ng chemistry ang team-up nina Eula Valdez at Christian Vasquez sa katatapos lang na morning teleserye na “Princess In The Palace” na pinagbidahan ni Ryzza Mae Dizon, muling pinagtambal ang dalawa ng APT Entertainment sa bagong morning soap na “Calle Siete” ka-join sa cast si Aleng Maliit Ryzza Mae with Patricia Tumulak, Kenneth Medrano at marami pang iba.
Kung kinilig kayo kina Eula at Christian sa ligawan at tampuhan blues nila sa Princess In The Palace, sa Calle Siete ay kaaaliwan naman sila. Mag-asawa ang karakter na kanilang gagampanan at marami silang makahahalubilo sa Mabuhay Compound.
Mapapanood araw-araw ang Calle Siete tuwing 11:30 ng umaga bago mag Eat Bulaga sa GMA-7. Ang nasabing family comedy-drama series ay mula sa direksyon ni Monti Parungao.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma