Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, type maging character actor

00 SHOWBIZ ms mMAS guwapo sa personal ang binatang nakilala sa It’s Showtime bilang Mr. Pastillas o Richard Parojinog, pero ‘di raw niya pangarap maging heartthrob. Bagkus mas nais niyang maging character actor.

Ito ang naikuwento sa amin ni Richard nang makausap namin ito sa isang meryenda chikahan kasama ang kanyang manager na si Dominic Rea.

Ani Richard, alam niya ang kanyang kapasidad at kung saan siya nararapat.

Kahanga-hanga nga ang kanyang ginawang pagtanggi para maging miyembro ng Hashtags dahil hindi naman daw siya marunong magsayaw. Pero magaling siyang kumanta.

Pinanghinayangan nga namin ang ginawang pagtanggi ni Richard sa Hashtags pero aniya, ayaw daw niyang maging trying hard kahit sabihin pang napag-aaralan naman ang pagsasayaw. Hindi lang siguro talaga komportable ang binata na sumayaw.

Basta ang pinagbubuti niya ngayon ay ang acting workshop. “Nagwo-workshop po ako ngayon sa Star Magic kay direk Rahyan Carlos. Then after this, voice speech naman po,” sambit ni Richard.

Desidido si Richard na mag-concentrate sa showbiz kaya umaasa siyang mabigyan sana siya ng puwang sa industriyang ito.

Inalok din pala siya noon ng Viva ng five years contract, subalit tinanggihan niya ito dahil wala raw kongkretong plano.

Anyway, bukod kay Anne Curtis na sobrang crush niya, aminado rin ang binata na gandang-ganda siya kay Liza Soberano. “Na-starstruck po ako sa kanya at noong nakita ko siya ng personal eh, nanginig talaga ako lalo na noong nagpa-picture ako sa kanya,” kuwento pa ng binata na nagtapos ng HRM.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …