Monday , December 23 2024

Estandardisasyon sa suweldo ng gov’t employees lahatin na (Hindi lang para sa PNP)

ILANG reaksiyon ang naiparating sa inyong lingkod  hinggil sa plano ni Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na itaas ang suweldo ng mga pulis, P50,000 mula police officers 1 hanggang P100,000 para sa mga heneral.

Kung tutuusin, maganda at tama itong plano ni Presidente Digong.

Totoong isa ‘yan sa mga factor o salik kung bakit mayroong mga pulis na nabubulid sa korupsiyon.

Ang maging isang lingkod ng bayan ay isang katukso-tuksong posisyon sa isang sistema ng lipunan na kinaiiralan ngayon ng Filipinas.

Sa Filipinas na ang edukasyon, kalusugan at pananahanan ay ginawang komersiyo ng mga negosyante, pangangarapin talaga ng isang pangkaraniwang mamamayan kabilang na ang mga empleyado ng gobyerno na kumita nang malaki.

Pero dahil laging gipit kaya humahanap ng sideline hindi lang ang mga pulis kundi maging ang iba pang taga-public sector.

Pero mas malapit nga sa tukso ang mga pulis dahil ang kanilang tungkulin ay magpatupad ng batas (law enforcer). Kaya kung makuwarta ang kanilang huhulihin tiyak na sila ay aareglohin.

Kung mataas na ang suweldo ng isang pulis o heneral at narahuyo pa rin sila sa panunukso ng mga ilegalista, kahit ako mismo, naniniwala na dapat na silang bitayin.

Ngunit may isa pang pero, Mr. President…pero paano naman ang iba pang government employees?

Mga guro, sundalo, mga imbestigador at ahente sa NBI, nurses, doktor, airport & immigration employees, justice and court employees at iba pang empleyado sa local government units.

Dapat sila rin taasan ang suweldo dahil mayroon din silang ginagampanang mahalagang papel sa gobyerno.

In short, panahon na para sa makatotohanang estandardisasyon ng Salary Standard Law (SSL) para sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Kasabay po ng sinasabi ninyong paglilinis laban sa mga ilegalista, isulong na rin po ninyo ang institutionalize na pagbabago sa aspektong pangkabuhayan ng ating mga government employees, Mr. President.

‘Yan dalawang agenda na ‘yan ay isang mahalagang legacy sa unang dalawang taon ninyo bilang Presidente ng Republika.

Tiyak na muling magdiriwang ang 16 milyong Filipino na bumoto sa inyo, Mr. President!

Namimili ba ng lilinisin ang Manila City Hall?!

NAGLILINIS na raw ang Manila City Hall.

Ibinandera ng isang ‘mangkukulam’ na umaksiyon na raw si Mayor Erap.

Pangunahing nililinis ngayon ang Sta. Cruz at Quiapo area. Ganoon din daw ang C.M. Recto, Avenida Rizal, U-Belt at ang Carriedo.

Wala na raw nakahambalang na sasakyan at maging ang mga vendor ay inayos rin.

Salamat naman.

Pero ang tanong ng Bulabog boys natin, bakit, ngayon lang ba umaksiyon si Yorme?! Hindi ba siya umaksiyon noong nakaraang tatlong-taon na unang termino niya?!

Anyway, salamat sa pag-aksiyon Mayor Erap, malaking tulong ‘yan sa commuters at mga estudyante, lalo ngayon na pasukan na.

‘E maitanong lang po, how about Quezon Boulevard na laging nagsisikip dahil ang southbound ay ginawang parking area, hindi single parking kundi double hanggang triple pa?

Sa totoo lang, ‘yang pagpa-park sa Quezon Boulevard ang sanhi ng grabeng traffic na nagpapabara hanggang España kung galing sa Quezon City at sa Alfonso Mendoza kung galing naman sa Balintawak area.

At higit sa lahat Yorme, ‘yung area sa paligid ng Manila City Hall, grabe ang mga illegal terminal.

Grabe rin ang kalat, panghi at basura mula sa mga vendor.

Subukan kaya ninyong mag-ikot kasama ang inyong team mula sa Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio, Mehan Garden at sa kahabaan ng Arroceros hanggang diyan sa SM.

Makikita ninyo kung gaano karumi ang paligid ng city hall.

Mukhang inutil ang barangay diyan sa paligid na ‘yan ng city hall.

Hindi kaya namumunini rin sila kay Reyna L. Burikak, ang reyna ng illegal terminal at sa isang mambabayag sa Mehan Garden?!

Pakikapa na rin ang ulo ninyo, Mayor, baka lumalaki ang bukol ninyo nang hindi ninyo namamalayan mula sa illegal terminal operator na ‘yan.

Aray!

The new BI commissioner

NITONG nakaraang linggo ay lumabas na ang pinakahihintay na announcement tungkol sa bagong uupong commissioner sa Bureau of Immigration (BI).

Si former PNP Region 11 Director Gen. JAIME MORENTE ang nahirang ni President-elect Rodrigo Duterte na siyang magiging pinuno ng nasabing kagawaran.

Bago magretiro ay naging Director for Personnel and Records Management sa Camp Crame si General Morente at kabilang siya sa PMA Class of 1981.

Isa siya sa sinasabing part of security team ni Digong noong panahon ng eleksiyon.

Inaasahan na magkakaroon nang malawak na balasahan sa bureau, pag-upo ng bagong commissioner. Malamang marami rin ang tatamaan lalo sa hanay ng mga hepe na identified sa nakaraang administrasyon.

Well, upon knowing the background of the incoming commissioner, well-versed siya kung personnel management ang pag-uusapan.

Surely, siya ay hindi lang simpleng pro-employee, tinitingnan niya at sinusuri ang kalagayan ng kanyang mga pinamumunuan.

Hindi sana siya magaya sa mga nauna sa kanyang ex-commissioner na sina Ric David Dayunyor at expelled ‘este’ ex-commissioner na si SiegFraud ‘este’ Siegfred Mison na walang iniwang magandang alaala sa kanilang mga empleyado.

And for the newly appointed BI-Commissioner, isang malugod na pagbati at pagsalubong ang aming handog para sa inyo, Sir!

Welcome to the Bureau of Immigration, Commissioner Jaime Morente!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *