Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikula nina Michael at Edgar Allan tagumpay sa takilya (May puso at very entertaining kasi…)

ISA kami sa nakapanood ng premiere night ng controversial na pelikula nina Michael Pangilinan At Edgar Allan Guzman na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” last week sa SM Megamall Cinema 10.

Nakita natin kung paano dinumog ang nasabing pelikula.

Ang dating sa amin ng film, isa ito sa pinakamagandang local gay movie produced na buong-buong naisalarawan ni Joven Tan (director ng movie).

Ang kuwento ng mag-bestfriend na ang isa ay gay, portrayed by Edgar Allan na na-in love sa kanyang guy bestfriend na si Michael. Punumpuno ng puso at very entertaing ang pelikula kaya maiiyak ka at matatawa habang pinapanood ang pelikula.

Sigurado rin kaming marami  ang makare-relate kina Edgar at Michael dito na hindi nasira ang pagkakaibigan kahit bading ang isa sa kanila.

Malaking kontribusyon rin siyempre ang appearance ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor na gumaganap na lesbian mother ni Edgar at ka-live in ni Ana Capri. Tiyak na kaaaliwan ninyo nang husto ang mga eksena rito nina Joross Gamboa at Matt Evans na parehong may karanasan sa bakla.

Sila ang mga nagsilbing comic relief sa Pare, Mahal Mo Raw Ako na sa unang araw sa mga sinehan ay tagumpay ang kita sa takilya.

Malaking factor sa success ng said project ang song ni Michael na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na naging entry noon ng singer-actor sa P-Pop Love Songs Himig Handog na naging selling like hotcakes sa record bars at dinagsa ng maraming likers sa Youtube.

Masaya-masayang siyempre ang buong cast at dalawa sa nag-produce ng pelikula sina Direk Joven at Mama Jobert Sucaldito sa naging outcome ng kanilang pelikula na release ng Viva Films.

LGBT, let’s support this beautiful gay movie gyud!

RED STRING PREMIERE NG BORN FOR YOU NINA ELMO AT JANELLA BUKAS NA SA TRINOMA CINEMA 7

Dahil sa magandang plot ng istorya ng pinakabago at pinakamalaking teleserye ngayong taon ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na “Born For You,” unang tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador, siguradong jampack ang gaganaping Red String Premiere ng nasabing musical romantic-drama TV series bukas, June 11 6 pm sa Trinoma Cinema 7.

Pangungunahan siyempre nina Elmo at Janella kasama ng kanilang mga co-star ang nasabing event na mapapanood ang buong linggong episode ng kanilang pinag-uusapang serye.

Bukod sa mga tanyag na artista kinabibilangan nina Vina Morales, Ariel Rivera, Gina Pareho, Freddie Webb atbp. Big-budgeted ang Born For You, na nag-shoot pa sa bansang Japan. Para sa theme song, kinuha ng Dreamscape ang serbisyo ng orihinal na kumanta ng Born For You, na si David Pomeranz. Nagkaroon ng pagkakataon sina Janella at Elmo na ma-meet ang Iconic artist ng Hollywood. Kabilang rin sa dadalo sa special premiere, ang mga bossing ng Dreamscape sa pangunguna ng business unit head na si Sir Deo Endrinal.

RATINGS NG DOBLE KARA NI JULIA MONTES SUPER IMPRESSIVE

Patuloy na umaani ng tagumpay ang ratings ng afternoon drama TV series ni Julia Montes na “Doble Kara” na mas tumaas pa dahil sa mas palabang mga character ng Book 2 ng serye.

Parehong may anak na ang kambal na sina Kara at Sara at dito nakasentro ngayon ang istorya ng DK.

Last June 7 at June 8 ay humamig ng 19.9% at 19.8% ang rating ng soap na kinabibilangan rin nina Mylene Dizon, Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Sam Milby, Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman, John Lapus, Anjo Damiles etc.

Ito ay sa ilalim ng mahusay na direksyon nina   Manny Q. Palo, Jon S. Villarin, Erick C. Salud at Trina N. Dayrit.

Ang Doble Kara ay mapapanood tuwing hapon sa Kapamilya Gold.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …