Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boy George, excited na sa Manila concert

OH, Boy! Oh, George! Sa mga nakakaalala sa mga kantang Karma Chameleon, War Is Stupid, Do You Really Want to Hurt Me, Miss Me Blind, Move Away, Love is Love at marami pa, ang 80’s pop icon na si Boy George at ang banda niyang Culture Club ang maiisip.

At natuwa naman ito nang makasama sa kanyang itinerary ang Pilipinas sa kanilang dadalawin. Kaya lang ang two nights concert eh, naging isa na lang at sa Sabado, June 18, 2016na sila makakapiling ng kanilang mga tagahanga sa SMART Araneta.

At ayon sa kanilang promoter, kahit na ‘di matutuloy ang dapat sana eh dalawang gabi at magiging special one night only na lang ito, looking forward na talaga si Boy George at ang Culture Club sa nasabing pagkakataong makapiling ang kanilang Manila fans. Due to logistical travel issues beyond their control ang kanyang ibinigay na dahilan sa first ever Manila concert ng grupo.

Maaaring magpalipat o mag-refund sa Araneta Coliseum box office ang mga nakabili na ng tickets para sana sa June 17 show. Nangako si Boy George na siguradong magmimistulang isang malaking dance party ang kanilang show. Siyempre pa, kakantahin nila ang kanilang nabanggit na hits.

Inanunsiyo rin na magkakaroon ng isang ‘meet and greet’ para sa mga ticket buyer ng special VIP (SVIP) tickets na may halagang P25,000. Bukod sa makakapanood na sila ng concert ay may privilege sila na magkaroon ng picture with Boy George and Culture Club.

Makakukuha rin sila ng double disc Culture Club greatest hits album at isang commemorarive concert T-Shirt. Ang ‘meet and greet’ ay gaganapin sa June 16, 3:00 p.m. sa Novotel Manila Araneta Center.

Mabibili ang SVIP tickets (cash basis) sa June 10 sa Greenfield District Central Park. Kasabay nito ang pagkakaroon ng Boy George Sing-and-Look Alike contest, 7:00 p.m. hanggang 11:00 p.m. Para sa mga nais sumali sa contest at mag-inquire tungkol sa concert tickets, tumawag sa (0918) 497-2121 at (0906) 418-0786. Ang Culture Club Featuring Boy George Live In Manila concert ay hatid ng Royale Chimes Concerts & Events Inc. Mabibili rin ang tickets sa Ticketnet (911-5555) or log on to www.ticketnet.com.ph. Maaari ring gamitin ang BDO credit and debit card para magkaroon ng 15% discount.

So, what are we waiting for! Let’s feel the State of the Nation with the Grammy and Brit award-winning group. Tread on memory lane and once again cherish their legendary tunes and the colourful makeup and get-up that made us remember them!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …