Monday , November 25 2024

Iba talaga ang kredibilidad ng Sen. Ping Lacson

MARAMING sumang-ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson nang sinusuportahan niya ang kampanya laban sa illegal drugs ni incoming president Rodrigo “Digong” Duterte.

Pero mas lalo siya sinang-ayunan ng publiko nang ipahayag niyang hindi dapat magpadalos-dalos ang Pangulo sa paghuhusga sa tatlong PNP general na sinasabi niyang sangkot sa ilegal na droga.

Dapat nga namang dumaan sa due process ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) upang magkaroon din sila ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang sarili sa akusasyon na sila ay sangkot sa ilegal na droga.

Posible raw kasing kinakaladkad lang ang pangalan ng tatlong heneral ng kung sino mang galit sa kanila, kaya hindi dapat maging padalos-dalos sa paghuhusga ang Pangulo lalo’t pinakikinggan siya ng publiko.

Ayon pa sa Senador na naging PNP chief, sumasang-ayon siya sa giyera o kampanyang ilulunsad ni Digong laban sa ilegal na droga.

Pero dapat umanong maging maingat sa paggamit ng impormasyon dahil hindi ito magiging makatarungan sa ibang kagawad ng PNP.

Gayon din sa mga indibiduwal na pinagbibintangang sangkot sa ilegal na droga.

Pabor ang Senador na gamitin ang natirang campaign funds ng incoming president para labanan ang ilegal na droga.

Pero hindi nga puwedeng ‘tumba’ rito, ‘tumba’ roon.

‘E di para na lang tayong Wild, Wild West…sabi pa ni Sen. Ping.

At diyan tayo lalong bumilib kay Senator Ping Lacson.

Lalo nating napatunayan na hindi tayo nagkamali nang iboto natin siya.

Kung ibang tao ang nagsalita nang ganito tiyak maliligo ng mura kay Mayor Digong.

Pero iba ‘yung Ping Lacson.

Iba ang naipundar niyang kredebilidad. At napakalaking bentaha ‘yan sa kanya.

Maikling magsalita pero punong-punong ng sustansiya.

Sa ganang atin, ang mga kagaya ni Senator Ping Lacson ang dapat na laging kausap ni Mayor Digong. Constructive, hindi destructive. Hindi mapanulsol at hindi impulsive.

Isang taong logical at very objective sa kanyang mga pahayag.

Hindi gaya ng iba na nagpupumilit makapasok sa inner circle ni Digong, parang gusto nang lumipat at doon na yata manirahan sa Davao.

Parang bangaw na hindi mapakali, palakad-lakad, pabalik-balik, balisa na parang nakasinghot ng cocaine.

Tawag nang tawag kung kani-kanino…

At higit sa lahat parang isang latang walang laman, maingay lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *