Monday , November 25 2024

Anyare sa P150-M Full Body Scanners na inilagay NAIA T3?

MUKHANG nasayang lang ang P150 milyones ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagbili ng full-body scanner (German-made EQO model scanners) sa airport terminal ng bansa.

Kung hindi tayo nagkakamali, siyam na buwan na ang nakalilipas nang i-deliver sa NAIA ang nasabing equipment para regular na gamitin ng Office of Transportation Security (OTS) pero hanggang ngayon ay nakatengga pa rin.

Sa ulat, ang nasabing 14 units ay halos dalawang beses lang nagamit. Noong Agosto 2015, matapos i-install sa final security checkpoints ng apat na NAIA terminals; at nitong Marso (2015) nang ‘dumapo’ este dumalaw si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya para sa inspeksiyon.

Ang operasyon ng nasabing equipment ay direktang nakapailalim sa pangangalaga ng OTS, isang opisina na direktang nakapailalim sa Department of Transportation and Communications (DoTC).

Ito ang classic dito, nang tanungin daw si OTS Assistant Administrator Roberto Almadin kung bakit hindi pa rin ginagamit ang full-body scanner, ganito ang reply: “Kung hindi ginagamit, baka hindi pwede gamitin (If they are not being used, maybe it’s because they cannot be used).”

Kagaling ng sagot ‘no!?

Lumalabas pala na noong eskedyul ng training sessions na itinakda ng local distributor na Defense and Protection Systems Philippines Inc. (DPSPI), inisnab lang sila ng OTS.

Kaya ang nag-attend na lang ‘e ‘yung mga law enforcement units na nakabase sa NAIA.

Ayon sa isang OTS staff, ang tatlong scanner na naka-install sa NAIA Terminal 1 ay laging ‘out of order’ kaya laging inaayos.

At ayon mismo kay newly appointed NAIA Terminal 3 manager Ricardo Medalla Jr., ang limang scanner sa kanyang terminal ay hindi ginagamit ng OTS.

Ay sus!!!

President Duterte, baka puwedeg paki-check sa iyong pag-upo, kung anong nangyari sa P150 milyones mula sa taxpayers’ money?!

Wala lang?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *