ANG tatlong bibe ng MMK. Nakasanayan ng dating Miss Baron Travel Girl na si Charo Santos Concio ang pakikinig sa mga drama sa radyo at sa telebisyon nina Tiya Dely at Ate Helen Vela kaya nang dumating ang pagkakataong nasa isang malaking network na siya at kinailangang gumawa ng isang palabas na kagigiliwan ng mga manonood, ang naging peg niya eh, ang paghahatid ng nga kuwento ng bawat tao sa bawat tahanan.
“Nag-suggest ako ng title noon, ‘yung ‘Among My Souvenirs’. Pero mas gusto ni FMG (Freddie M. Garcia) na Tagalog at Kundiman. Kaya siya ang nakaisip ng ‘Maalaala Mo Kaya’ na osinulat ni Constancio de Guzman.”
Taong 1991 nagsimula ang MMK kaya 25 taon na ang longest drama anthology in Asia. At kapag nagbalik-tanaw tayo na naging bahagi rin ng nasabing mga kuwento walang maitulak kaibigin sa mga istoryang ibinahagi pati na ang mga artistang nagsiganap dito.
Nagsisimula pa lang bilang manunulat ang marami sa kanila gaya nina direk Ruel Bayani at FM Reyes pero nasaksihan na nila kung paano maging mapusok ang tatlong babaeng tumayo sa likod ng MMK. Ang host na si Ms. Charo, Malou Santos, at direk Olive Lamasan plus Mel del Rosario.
Hindi matingkala ang bilang noon ng mga sulat na araw-araw nilang binabasa. Pero ang mga hindi naman daw mapili ay naka-file sa cabinet, ‘yung mga nagdaan pa sa koreo at ang sa email naman eh, ganoon din.
Sa buwan ng Hunyo at taon ng pagdiriwang ng ika-25 ng MMK, apat sa matitinding istorya na naman ang aabangan simula sa June 4. May magtatampok kina Princess Punzalan at Allen Dizon kasama ang batang si Abby Bautistatungkol sa batang nangangarap na makapag-aral. Mayroon ding tatampukan niZanjoe Marudo tungkol sa mag-anak na nakatira sa kuweba. Sasalang din si Jessy Mendiola bilang isang pole dancer. At mayroon din sina Angel Locin atPaulo Avelino.
Bakit nagtatagal at ‘di binibitiwan ng mga manonood sa buong mundo ang MMK?
Sabi nga ni Mel, mahirap mag-create lang ng istorya kaysa ‘yung galing mismo sa nakaranas na nito. Kaya naman authentic ang mga kuwentong ibinabahagi ngMMK sa mga manonood.
At paano pa lalong lumalawak ang paghanap sa nasabing mga istorya?
Bukod sa timeline na MMK Through the Years at section na MMK 25 Memories na puwedeng sariwain ang episode nito sa dalawang dekada, may kuwento na pwedeng magpadala ng liham o video. May media accounts na rin ito na Life Lines.
At ang madalas na ngang nagaganap ay ‘yung pagsasama-sama ng programa sa letter senders sa MMK Kumustahan na nakakasalamuha nila si Ms. Charo. Muli itong magaganap sa Davao sa July 6 na susundan ng leg sa Luzon sa Agosto.
Nakatakda ring umarangkada sa Madrid, Spain sa Hunyo 26 ang tropa ng MMK na susundan sa HongKong sa July 24, sa North America sa New Jersey sa Setyembre 9, sa Alberta, Canada sa Setyembre 11 at sa Tokyo, Japan sa Oktubre 16, 2016.
At sa kaliwa’t kanang production meeting ng tatlong bibe para sa mga espesyal na episodes ng anniversary presentation ng MMK, nakaka-segue pala sa pagbabalik niya sa pelikula si Ms. Charo. Sumalang na siya sa proyekto ni Lav Diaz sa Ang Babae’ng Humayo. Dahil nagustuhan niya ang script kaya 10 araw na nakapag-shoot si Ms. Charo sa nasabing pelikula.
Pero ang puso niya ay mananatili pa rin sa paggawa ng magagandang alaala saMaalala Mo Kaya.
This will definitely be among her souvenirs.
HARDTALK – Pilar Mateo