Friday , November 22 2024

Military na naman sa Bureau of Immigration (BI)?

HINDI happy ang mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa kanilang nababalitaan na, magmumula na naman daw sa military ang itatalagang bagong Commissioner.

Kung sino man ang naatasan ni President-elect Digong sa selection process ng mga itatalagang hepe, commissioner, secretary sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, sana’y rebyuhin niyang mabuti kung sino man ang irerekomendang mga tao.

At please lang po, Mayor Digong, huwag na po kayong magtalaga ng military man na hindi naman angkop sa posisyon, dahil maraming nagkaletse-letse sa Bureau nang italaga riyan ang dalawang magkasunod na military men.

Sabagay mukhang may punto rin naman sila dahil hindi nga naman sila sanay sa klase ng ala-militar na pamamalakad.

Hindi rin naman daw kasi komo military style ang gagawing pagpapatakbo sa kagawaran ay mababawasan na ang alegasyon na may sandamakmak na korupsiyon diyan.

Ang kailangan daw ng Bureau ay isang mamumuno na karespe-respeto at handang makinig sa suggestions lalo na sa hinaing ng mga nakararami.

Knowing the style of the majority of the employees, lalo lang lalabas ang sungay nila kung gagamitan sila ng kamay na bakal.

Hindi naman po combatant in nature ng Immigration. Civilian office po iyan.

Hangad lang po ng mga taga-BI na bumalik ang panahon nina Commissioner Rufus Rodriguez, Didi Domingo, Nonoy Libanan at Al Fernandez at sana po ay ibalik rin ang mga nawala at tila ninakaw na benepisyo sa kanila.

‘Yun lang ho, Mayor Digong.

Ikaw na lang ang nakikita nilang pag-asa para muling maibalik ang nauukol para sa kanila.

Sa katunayan, inip na inip na silang mag-Hunyo 1, 2016.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *