Friday , November 22 2024

GMA tumanggi sa ‘Pardon’ ni President-Elect Rodrigo “Digong” Duterte

HINDI pa rin talaga kumukupas ang katarayan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (PGMA).

Mantakin ninyong ‘ayawan’ ang iniaalok na ‘pardon’ ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte.

Alam ba ninyo ang rason?

Aba ‘e hindi pa nga naman napapatunayan sa korte na siya ay Plunderer, tapos biglang inaalok ng pardon?!

Baka naman ang ibig sabihin ni Mayor Digong, puwedeng magpiyansa at puwedeng i-house arrest na lang for humanitarian reasons.

Essentially, ang gusto ni Mayor Digong, kung hindi na maselan ang karamdamn ni PGMA, i-house arrest na lang at huwag nang hospital arrest.

Kumbaga, limitahan na lang ang kanyang kalayaan na makalabas ng bansa.

Sabi nga Pres. DU30, “Kung ‘yun ibang kasamang akusado ni GMA ay pinayagan nang magpiyansa, ‘e bakit si GMA, hindi?!”

Kasi naman kung naniniwala ang batas na may kasalanan si PGMA ‘e bakit hinahayaan pang tumakbong kongresista?!

Wala ba tayong batas na nagsasabi na kapag ang isang dating presidente o mambabatas kapag nasampahan ng kasong Plunder, sentensiyado man o nililitis pa ‘e huwag munang patakbuhin sa public office?!

Kasi kung wala naman ganoong batas at hindi pa nasesentensiyahan si PGMA bakit nga naman ikukulong gayong siya ay elected na congresswoman ng mga mamamayan sa kanilang Distrito?

Malaking kabalintunaan ‘di ba?

Anyway, sa opisyal na pag-upo ni Mayor Digong bilang Pangulo ng bansa, dapat siguro ‘e lagi siyang may kakonsultahan bago makipag-usap sa press para hindi makapaghatid ng maling signal sa mamamayan.

Klaro naman ang sinabi ni PGMA, ayaw niya ng pardon dahil hindi pa siya sentensiyado.

‘Yung pagbibigay ni PGMA ng pardon kay Estrada, wasto lang ‘yun dahil sentensiyadong plunderer o mandarambong si Erap.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *