Saturday , November 23 2024

GMA tumanggi sa ‘Pardon’ ni President-Elect Rodrigo “Digong” Duterte

HINDI pa rin talaga kumukupas ang katarayan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (PGMA).

Mantakin ninyong ‘ayawan’ ang iniaalok na ‘pardon’ ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte.

Alam ba ninyo ang rason?

Aba ‘e hindi pa nga naman napapatunayan sa korte na siya ay Plunderer, tapos biglang inaalok ng pardon?!

Baka naman ang ibig sabihin ni Mayor Digong, puwedeng magpiyansa at puwedeng i-house arrest na lang for humanitarian reasons.

Essentially, ang gusto ni Mayor Digong, kung hindi na maselan ang karamdamn ni PGMA, i-house arrest na lang at huwag nang hospital arrest.

Kumbaga, limitahan na lang ang kanyang kalayaan na makalabas ng bansa.

Sabi nga Pres. DU30, “Kung ‘yun ibang kasamang akusado ni GMA ay pinayagan nang magpiyansa, ‘e bakit si GMA, hindi?!”

Kasi naman kung naniniwala ang batas na may kasalanan si PGMA ‘e bakit hinahayaan pang tumakbong kongresista?!

Wala ba tayong batas na nagsasabi na kapag ang isang dating presidente o mambabatas kapag nasampahan ng kasong Plunder, sentensiyado man o nililitis pa ‘e huwag munang patakbuhin sa public office?!

Kasi kung wala naman ganoong batas at hindi pa nasesentensiyahan si PGMA bakit nga naman ikukulong gayong siya ay elected na congresswoman ng mga mamamayan sa kanilang Distrito?

Malaking kabalintunaan ‘di ba?

Anyway, sa opisyal na pag-upo ni Mayor Digong bilang Pangulo ng bansa, dapat siguro ‘e lagi siyang may kakonsultahan bago makipag-usap sa press para hindi makapaghatid ng maling signal sa mamamayan.

Klaro naman ang sinabi ni PGMA, ayaw niya ng pardon dahil hindi pa siya sentensiyado.

‘Yung pagbibigay ni PGMA ng pardon kay Estrada, wasto lang ‘yun dahil sentensiyadong plunderer o mandarambong si Erap.

‘Yun lang po!

Sino si Bobby Reyes na magbabalik-PAGCOR!?

Text message po sa inyong lingkod ‘yan.

Nagbabakasakali na baka kilala raw natin si Mr. Bobby Reyes.

Kasama raw kasi si Mr. Bobby Reyes sa mga inirerekomendang maging chairman o director ng PAGCOR dahil kabilang siya sa masusugid na kampanyador ni Duterte.

Well, mukhang hindi pa naman maikli ang memorya ng inyong lingkod.

Si Mr. Bobby Reyes ay dating SBM ng Parañaque airport PAGCOR branch.

Nasabit sa isang malaking eskandalo si Mr. Bobby Reyes kay Mr. Ben Luwye, isang dayuhang VIP casino player.

Sa hindi malamang dahilan, binigyan umano ng special treatment ni Reyes si Ben Luwye. Es-pesyal talaga dahil lahat ng pribilehiyo ay natamasa ng Casino player.

Hanggang unti-unting nalugi ang PAGCOR Parañaque, dahil halos malimas ni Ben Luwye ang pera ng Casino sa gabi-gabing panalo nito.

Natalo muna ng P800 milyones ang Parañaque bago nahuli sa CCTV camera ang ginagawang pandaraya ni Ben Luwye gamit ang hidden micro-camera sa kanyang braso.

Pumutok ito noon sa mga balita at ipinakita kung paano ang modus operandi ni Luwye.

Nakasuhan sina Luwye at Reyes.

Pero bukod diyan nasabit rin ang pangalan ni Reyes sa ‘libreng kape’ sa Casino at ang kanyang ‘komisyon’ sa may-ari ng coffee shop.

Matunog daw ngayon ang bulungan sa Pagcor na si Bobby Reyes ay itatalagang director ni Pre-sident Mayor Digong sa PAGCOR kasama ang isang Lerry Santos at Reynaldo Concordia.

‘Yang dalawa naman daw, five years ago ay sinampahan ng kaso ng PAGCOR at hanggang ngayon ay may hearing pa.

Paki-check lang po muna Mayor Digong, ‘yang mga umaali-aligid sa inyo na gustong makapuwesto diyan sa Pagcor.

Ingat-ingat po.

TCEU Princess Rose Borbon, kailangan masampolan ni President Duterte!

SAPOL si TCEU Princess Rose Balbon ‘este’ Borbon matapos maghain ng reklamo kay commissioner Ronaldo Geron ang ilang NAIA accre-dited media practitioners.

Sa isang sulat na ipinadala kay Commissioner Geron, inireklamo si TCEU Borbolen ‘este’ Borbon ng sandamukal na kasong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Dishonesty, Conduct Unbecoming of a Public Officer at Oppression of Press Freedom.

Araykupo!!

Nag-ugat ang nasabing mga reklamo noong April 30, 2016 matapos kakitaan ng pagiging arogante at kabastusan ang nasabing TCEU member sa isang pasahero na nagngangalang Ms. Melony Moises na kanyang ini-offload ganoon din ang isa pang eksena na binastos din umano ang GMA 7 and Manila Bulletin correspondent na si Ariel Fernandez.

Yari kang balbon ka!

Matagal na nating kinakalampag sa ating pahayagan si Ms. Balbon ‘este’ Borbon dahil sa kakaibang angas nito at pag-uugali na madalas nating marinig sa kanyang mga kasamahan.

Akala yata nitong si ‘ateh’ ay malalampasan niya lahat ang kanyang pagmamaldita at mga out of this world na eksena!

Hindi nga ba at kailan lang ay pinuna ang kakaibang ugali nito sa pakikipag-ugnayan at pag-i-interview sa kaawa-awang OFWs?!

Parang mawawalan ng dangal at pagkatao ang isang pasahero kapag napatapat raw sa TCEU na si Borbon.

Mas mabuti talaga na mabigyan ng leksiyon ang ganyang klaseng asal ng ilang TCEU members na animo’y kanila na ang mundo kung makaasta sa kanilang mga kababayan.

Imagine konting kapangyarihan lang power trip na agad?!

Sonabagan!

Ano ngayon ang masasabi ng iba pang TCEU members na may attitude problems din gaya nina Sharif Guerra, Angelica Timtiman, Joy Ruiz, Sherelyn Golimlim, Mary Ann Glenopia, Erica Jogno, Sidney Roy Dimandal, TCEU Im-pierno este Imperio, Jedda Reuyan, Nowell Patrick Relatos at Candice Miraflor?

Baka gusto ninyong sumunod sa mga yapak ni TCEU Princess Rose Balbon ‘este’ Borbon?!

Sabi nga sa Kapampangan, “Subukan pamu para mabalu!”

Oo nga pala, hindi ba ang sabi ni President Duterte ay maging maayos at masaya ang pakikitungo ng mga government officials sa lahat ng kanilang pinaglilingkuran dahil sila’y tax payers?

‘E kapag ganyan ang magiging attitude ninyo lalo na sa mga pobreng kababayan natin at nakarating kay President Digong ang ginagawa ninyo, tiyak may kalalagyan kayo!

Hala sige, kayo rin!

Gusto ba ninyong ma-Duterte agad?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *