HINDI KSP (kulang sa pansin) ang itinanghal na Best Actress sa katatapos lang na 69th Cannes International Film Festival na si Jaclyn Jose.
Aba, kung iba siguro ang naging winner sa nasabing prestihiyosong award giving body ay magde-demand ng motorcade at courtesy call sa Malacañang dahil sa malaking karangalang naiuwi para sa bansa.
But it’s not Ms. Jose’s cup of tea, na maghangad ng sobrang atensiyon kundi kontento na raw siya sa ginawang welcome party ng kaniyang mga kapuso sa GMA na isinabay sa grand presscon ng bagong comedy sitcom ng actress na “AI Ko Sa’yo” na ipapalabas simula June 2 tuwing Huwebes sa GMA Telebabad. At sa nasabing press conference ay pinaunlakan ni Jaclyn ang exclusive interview sa kanya ng 24 Oras at mga entertainment media at bloggers na gustong magpakuha sa kanya.
Ang ganda-ganda rin ng gesture niya ng sagutin ang tanong kung hindi ba siya magiging chossy sa role ngayong international best actress awardee na siya?
Basta kung ano raw ang gustong ipagawa sa kanya ng director nila sa show na si Randy Santiago ay gagawin niya. At base sa trailer na ipinalabas sa presscon ay mala-Chicks to Chicks at ‘E Kasi Babae’ ang dating ng AI Ko Sa’yo.
Gagampanan ni Jaclyn ang character ni Digna Molina ang taklesa at frustrated beauty pageant aspirant na dahil sa ilusyon noon na maging isang beauty queen ay nagtayo ng AI Talent Agency na tumatanggap ng mga nagagandahan at nagseseksihang girls na isasali nila sa beauty pageant.
Kabilang sa mga talent ni Digna ay sina Solenn Heussaff, Gee Canlas, Mara Alberto at sexy daughter na si Kaycee (Denise Barbacena). Kuwela rito si Solenn na bukod sa pangarap na maging beauty queen ay kung ano-anong produkto ang itinitinda sa mga co-talent.
Ang mga hunky Papa na sina Benjamin Alves, Ervic Vijandre at chickboy photographer na si Sef Cayadona ay part din ng AI Talent Agency. Kasal pala si Digna sa isang marriage counselor na si Rolly portrayed by Gardo Versoza na lagi siyang ibinibitin sa sex kahit madalas magpakita ng motibo.
Very funny ang paglalandi ni Jaclyn kay Gardo na kahit chubby ay flawless naman at maganda. 101 percent na siguradong kaaaliwan ninyo ang sitcom na ito, kaya’t weekly ay subaybayan ninyo sila gyud!
Julia, tanggap na ang pagkawala ng anak…
“DOBLE KARA” NANANATILING NUMERO UNO SA HAPON ALL-TIME HIGH RATING NA 19.8% NAKAMIT
Patuloy na nangunguna at hindi natitinag ang Kapamilya afternoon series na “Doble Kara” bilang numero unong teleserye sa hapon sa muli nitong paghataw sa national TV ratings kamakailan.
Nanatili pa rin ang pinakapinanood na palabas ng urban at rural viewers sa hapon ang teleseryeng pinagbibidahan ni Julia Montes at madaling tinalo ang mga katapat na palabas sa pagtatala ng all-time high national TV rating na 19.8% noong Martes (May 24), ayon sa datos ng Kantar Media. Ito rin ang pinakabagong all-time high rating na naitala ng programa.
Samantala, tuluyan na ngang natanggap ni Kara (Julia Montes) ang pagkawala ng kanyang anak na si Isabella. Ngunit nawala man ang kanyang anak, makikilala naman niya ang batang si Hannah sa ampunan na kanyang pinapasukan. At sabay rin sa mga pagbabago sa buhay ni Kara, ang mga panibagong pagsubok na haharapin ni Sara ngayong malaki na ang anak niyang si Rebecca. Makayanan pa rin kayang malagpasan ni Sara ang hirap ng buhay nang mag-isa? Paano kaya mababago ni Hannah ang buhay ni Kara? Huwag palampasin ang nangungunang Kapamilya afternoon series na “Doble Kara,” tuwing hapon sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Maaaring mapanood ang past episodes ng prog- rama sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma