Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah G ng Barcelona na si Martina Ona in-demand sa concerts at release na ang CD album (Carmi Martin feel na feel ang role sa “Love Me Tomorrow”)

HAPPY si Carmi Martin sa kaniyang role sa  “Love Me Tomorrow.” Ginagampanan niya ang bestfriend ng bidang si Dawn Zulueta at taga-udyok na pumatol sa boylets na mas bata sa edad na ginagampanan ni Piolo Pascual.

Excited na kuwento ni Ms. Carmi sa latest movie niya sa Star Cinema, napahinga raw siya sa madalas gampanang role na mother o kaya tita.

At feel na feel raw niya ang mga eksena nila ni Dawn na light lang at ini-enjoy ang buhay sa pakikipagrelasyon sa bagets.

Puring-puri niya ang kabaitan ni Papa P at wala raw siyang masabi sa actor na mahusay makisama at very professional sa kanyang trabaho.

Nang amin namang tanungin ang actress, kung minsan ba sa buhay niya ay pumatol siya sa guy na mas younger sa kaniya.

Walang kaabog-abog kami nitong sagot, noong kalandian days raw niya ay may pinatulan siya pero fling lang daw.

Kapansin-pansin na tulad ni Dawn ay ageless beauty rin si Carmi kumbaga may dating pa rin sila tulad ng co-star nilang si Coleen Garcia.

‘Yung body niya ay mahirap raw talaga i-maintain pero dahil kailangan sa trabaho ay nag-i-effort siyempre siya na gawan ito ng paraan. At thankful naman ang dating Dolphy Angels dahil slim pa rin siya.

Nagkatrabaho na pala noon sina Carmi at Dawn sa To Saudi With Love. Nakasama ng dalawa sa pelikula si Alice Dixson. Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Love Me Tomorrow at dinumog ang mall show ng lead and supporting cast ganoon na rin ang kanilang red carpet premiere na ginanap naman kagabi sa SM Megamall Cinema 7.

Showing na ito over 300 cinemas nationwide and this is directed by Gino M. Santos.

Hala sugod na at nood na gyud!

Martina Ona May CD ALBUM na

Napaka-supportive ng parents ng Sarah Geronimo ng Barcelona Spain na si Martina Ona.

Noong magbakasyon dito sa Pinas si Martina para tuparin ang kanyang committment ay sinamahan siya ng kanyang ma-PR na mother. At ‘yung alok sa kanilang one night show with Tyrone Oneza ay dahil may talent at mahusay na concert performer ay nasundan pa ng ilang concerts.

Ngayon, in-demand si Martina sa mga show sa Barcelona, Spain at paborito siyang kuning frontliner sa yearly Independence Day event sa lugar. Hindi nawawalan ng project ang young Diva na binansagang Popstar Princess ng Barcelona at nakasama na rin ang ilan sa ating malalaking artist tulad ni Gabby Concepcion at Isabel Granada.

Feeling fullfilled si Martina, dahil natupad na ang matagal na niyang dream na magkaroon ng solong CD Album. Release na ang dalawang english songs nito na “Doorstep” at “Beyond” na composed by Mr. Joshua Carlos Madrid-Bactol at produce naman ni Mr. Juan Castillo.

Malapit na rin itong marinig at ma-download sa iTunes. Mapapakinggan na rin ang mga awitin niya sa Bangis FM at Raydio Filipino sa Tokyo, Japan.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …