Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie at Janno, may baklaan time

IT’S baklaan time on Happinas Happy Hour tuwing Biyernes ng gabi.

No, walang segment na Miss Gay ang bagong comedy-variety show ngTV5, balik-gay character doon ang main hosts nitong si Ogie Alcasidbilang Kembot at Janno Gibbs as Kembolar.

Both “kembot” and “kembolar” are words to the growing list ng gay lingo o swardspeak na wala namang tiyak o klarong kahulugan.

Oftentimes, nagiging expression na lang ang mga katagang ito in place of words na appropriate o akmang gamitin sa pagsasalita.

Kapwa ibinabalik nina Ogie at Janno ang kanilang mga beki karakter sa segment na Maboteng Usapan, isang sit-down interview with a featured guest na kanilang pagtitripan from a man’s point of view.

Bakla ang pagkaka-present sa kanila, pero hindi napipigilan nina Ogie at Janno na humulagpos sa kanilang pagkatao ang pagtangi sa kanilang female celebrity guest, kundi man itinatagong pagnanasa pa rito.

Kung bakit Maboteng Usapan ang pamagat ng segment na ito ay dahil inihapay o itinugma ito sa mismong program title na may “Happy Hour” na isang pamilyar na come-on phrase sa mga beer house o nightclub.

At hindi nga ba’t bagsak presyo ang mga bote ng beer sa ganitong oras na lalo pang naadaragdag ng saya sa tsikahan ng mga nagba-bonding na barkada?

Happinas Happy Hour also assembles TV5’s other artists tulad nina Mark Neumann, Ella Cruz, Eula Caballero, Empoy at marami pang iba.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …