Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Enrique Gil

Liza limot na ang labs na si Enrique sa “Dolce Amore” (Paano na kaya ang forever?)

MAS intense ang mga eksenang mapapanood ngayon sa Philippine romantic-comedy TV series na “Dolce Amore.”

Tuluyan na kasing nagkaroon ng amnesia si Serena (Liza Soberano) at maging ang lalaking minamahal na si Tenten (Enrique Gil) ay hindi na niya nakikila.

Ikinadesmaya at ikinalungkot nang labis ni Tenten ang pangyayari at awang-awa siya sa sinapit ng babaeng minamahal, nang dahil sa isang vehicular accident nang iligtas niya ito sa sa kamay ng kapatid na si Binggoy (Kean Cipriano) ay tuluyan na rin nakalimutan ang kaniyang nakaraan.

Sa pangambang baka lalo pa siyang kamuhian ni Serena ay hindi alam ni Tenten kung paano niya ipagtatapat ang buong katotohanan na may kinalaman ang Mama ni Serena na si Luciana. Natukso lang si Binggoy na tanggapin ang pera ni Luciana para magamit sa pagpapagamot sa tatay nilang si Dodoy (Edgar Mortis) na maysakit sa puso.

Tuluyan na kayang maibaon sa limot ang pagmamahalan nila ni Serena lalo’t kapag magkasama sila ay namumuhi sa kanya? Paano na ang kanilang forever, kung hindi na babalik ang alaala ng dalaga?

Samantala para makasama ang kaniyang totoong pamilya dito sa Pinas, nagawang magsinungaling ni Serena kay Luciana at Gian Carlo (Matteo Guidicelli) kaya pinalabas niya na nasa San Francisco siya para i-meet ang mga taong ka-deal sa kanilang negosyo.

Sobrang saya naman ang mga magulang ni Serena na sina Alice (Sunshine Cruz) at Uge (Andrew E) at kapatid na si Angela (Sue Ramirez) sa effort niya na magkasama-sama sila kahit saglit lang.

Nakatakda nang bumalik sa Italia si Serena at bumalik na rin galing sa trabaho sa abroad si Binggoy at nagkaroon sila ng matinding komprontasyon ni Tenten.

Saan hahantong ang away ng magkapatid, magiging daan ba ito para bumalik na ang alaala ni Serena?

Subaybayan sa pagpapatuloy ng “Dolce Amore” na gabi-gabing umeere sa ABS CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

JC inlab kay Jessy
WANSAPANATAYM PRESENTS: JUST GOT LAKI

After ng “You’re My Home” ay muling magpapakilig ang tambalang JC de Vera at Jessy Mendiola sa pinagbibidahan nilang episode ngayon sa WANSAPANATAYM PRESENTS: Just Got Laki.

“Siyempre different ‘yung pagiging light, siyempre may romantic side siya. May ligawan and things na very different from You’re My Home kasi nga ‘yun heavy drama, ito very light lang. May konting kilig and light romance,” ayon kay JC.

Para naman kay Jessy, “Something different from what we usually do.”

Nabanggit din ng Kapamilya aktor (JC) na maganda din ang epekto ng  proyekto dahil bagong challenge ito para sa kanila.

“Mas wider ‘yung range na makikita. Siyempre hindi lang sa isang angle na heavy drama and comedy like sa Banana Sundae. Very far from sexy, very far from the different genres that we are used to,” say pa nito.

Samantala napanood na last Sunday ang unang episode ng Just Got Laki, at siguradong kaaaliwan ng televiewers ang bagong kuwentong handog sa Wansapanataym na character based tungkol sa katawan ng isang matandang tao, pero isip bata na gagampanan nina Raiko Matteo at JC bilang young and old Macky na dahil sa dalagang si Isabel (Jessy) na kanyang crush na sinabihan niyang liligawan niya ay bigla siyang lumaki dahil sa kinaing magic candy.

Maging ang kaniyang Nanay Rose (Angel Aquino) ay hindi siya nakikilala dahil walang alam sa magic na nangyari sa kanya from baby boy ay biglang naging binata.

Kasama rin dito si Albie Casino bilang Jake na brother ni Macky. Suportado rin sila nina Nico Antonio at Nicco Manalo sa ilalim ng direksiyon nina Jojo Saguin at Nicco Manalo at mula sa panulat ng famous Lady author na si Noreen Capili.

Mapapanood ang Just Got Laki pagkatapos ng Goin’ Bulilit.

BACK 2 BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …