Friday , August 15 2025

Ayon sa Comelec commissioner: Smartmatic personnel ‘di maaaring umalis sa PH

HINDI maaaring umalis ng bansa ang mga tauhan ng poll technology provider na Smartmatic, ayon kay Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon.

Sinabi ni Guanzon, gagawa siya ngayong araw ng memo sa Comelec en banc at sa binuong investigation committe na sulatan ang Smartmatic president na dapat walang aalis sa kanila habang sila ay iniimbestigahan.

Ito ay kaugnay sa nangyaring pagpapalit sa script ng hash code ng transparency server noong gabi ng Mayo 9 na naging ugat para kuwestyonin ni vice-presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos ang integridad ng halalan at bilangan ng boto.

Ayon kay Guanzon, hindi dapat paalisin ng Smartmatic ang kanilang mga tauhan hangga’t hindi pa tapos ang ginagawang imbestigasyon.

“Flight is an indication of guilt. Ang pagtakas ay pag-amin ng (kasalanan). Kung may pananagutan sila, managot sila,” ani Guanzon.

Samantala, kanya rin aniya munang aalamin kung kailan magsisimula ang imbestigasyon laban sa Smartmatic pati na rin sa iba pang taong sangkot sa kontrobersiya.

Iginiit din niya na hindi na dapat pinakialaman pa ni Smartmatic Project Manager Marlon Garcia ang lumalabas na “?” sa pangalan ng mga kandidato na may letrang “ñ.”

Ito ay sapagkat tapos na rin aniya ang botohan at hindi na rin kailangan pang ‘pagandahin ang pangalan’ ng mga kandidato.

Nakaboto na rin aniya ang mga tao at pumapasok na rin ang transmission ng mga boto noong gabing iyon kaya hindi na sana ginalaw pa ang nasabing script ng hash code.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *