Monday , December 23 2024

Nationwide liquor ban with curfew hour vs minors isulong na ‘yan

ALAM nating this is a local government policy.

Kumbaga, ang liquor ban ay magiging successful lamang kung makikiisa ang local government sa pagpapatupad nito.

Mukhang may ibang formula si presumptive president, Mayor Digong Duterte kung paano ito ipatutupad.

Alam nating mayroong mga magtatawa sa ginagawa niya dahil he’s still acting like a mayor not a president, pero mukhang dahil doon kung bakit siya ibinoto ng sabi nga ‘e “rich and educated.”

Hindi problema ng rich & educated ang gutom at kahirapan, ang problema nila ay kung paano magiging secure ang ginagawa nilang pagsisikhay para umunlad ang kanilang buhay.

‘Yun bang tipong, hindi kayang garantiyahan ng kanilang edukasyon at kayamanan ang seguridad nila.

‘Yun bang hindi na sila pinangingilagan o inirerespeto kundi nagiging target na para biktimahin.

Kaya nang magsalita si Mayor Digong na papawiin niya ang kriminalidad, droga at korupsiyon, nagdesisyon ang rich & educated sector na siya ang ibotong presidente.

Anyway, pabor sa mga magulang ito.

Lalo na kung mayroon silang mga anak na menor de edad pero pasaway. Pabor sa mga magulang pero tiyak na aangal ang mga kabataan.

Lalong aangal ang mga business establishment (gimik bars) na nasa ganitong linya.

Alam n’yo naman sa mga bar/resto, ang ala-una ng madaling araw ay tila umpisa pa lang ng datingan ng mga parokyano.

Kaya kung ipatutupad ang 1am liquor ban tiyak mag-iiyakan ang bar/resto owners.

Tingnan natin kung ano ang magiging best formula ni Mayor Digong sa mga hindi susunod sa plano niyang liquor ban at 1 a.m.

Changes pa more!

Jeremy Marquez kinarma nga ba?

O ngayon naman siguro naniniwala na si Jeremy Marquez na hindi pa siya hinog para maging vice mayor ng Parañaque City.

Hindi bilib ang mga taga-Parañaque na magagampanan niya nang maayos ang nasabing tungkulin at responsibilidad.

Ayaw kasing maniwala.

Masyadong tumaas ang lipad.

Saan ba galing ang kompiyansa ni Jeremy ‘e mismong asosasyon ng mga barangay chairman na dati niyang pinamumunuan ‘e pinatalsik siya.

Tapos nangarap maging vice mayor?!

Sino kaya ang magaling niyang adviser na nagpayo sa kanya nang ganyan?!

Baka kung konsehal ang tinakbo niya ay lumusot pa siya.

O baka naman kinarma na nang tuluyan si Jeremy?! ‘Di bale, mukhang nag-i-enjoy naman siya sa kanyang bagong lovelife?!

‘Di ba, Jeremy boy?

Congratulations Mr. Boyet del Rosario

Binabati natin si Mr. Boyet Del Rosario sa pagwawagi niya bilang bagong vice mayor ng Pasay City.

Congratulations!

Malakas talaga ang impluwensiya ng mga kampo ni Mayor Tony Calixto.

Mantakin ninyong naitawid ang karera at pangarap ni Boyet del Rosario para ma-ging vice mayor?!

Siya na ngayon ang magiging bagong presiding officer ng Sangguniang Panglungsod ng Pasay.

Pero maraming nagsa-suggest na sana ay sumailalaim muna siya sa speech therapy…

Kasi hindi raw maintindihan masyado kapag nagsasalita si Mr. Del Rosario.

Medyo parang kinakain daw ang mga letra at salita kaya kailangan sumailalim sa speech therapy.

Anyway, good luck, Mr. Vice Mayor!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *