MEDYO naimbiyerna kami nang makita namin ang photo nina Maine Mendoza at Alden Richards kasama ang isang airport staff.
Proud pang ipinost ng female staff ang photo niyang kasam sina Maine at Alden na kuha sa airport dahil paputang Italy ang dalawang Kapuso star.
“Aldub is all humility. They were held by airport people to pose for pictures and still they say ‘thank u po’,” say pa ng hitad sa caption niya sa photo.
Bakit pinapayagan ng airport officials ang ganitong palakad? Hindi ba’t oras ng trabaho ‘yon tapos mayroon silang staff na magpapakuha ng selfie? It leaves a bad taste in the mouth, ha.
At kailan pa naging parte ng sistema sa airport ang magpakuha ng picture with celebrities? Bakit hindi na lang ninyo atupagin ang pagtatrabaho ninyo hindi ‘yung papakuha kayo ng selfie at ipo-post ninyo sa social media account ninyo? Binabayarann ba kayo para magpakuha ng photo sa mga artista? Hindi naman, ‘di ba?
UNCUT – Alex Brosas