Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel pictures habang hawak ang balota, tinuligsa; Robin, naduwag sa shaded ballot na ipinost?

NAGING controversial sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa photo nilang kumalat sa social media kahapon nang bumoto ang mga ito.

Nagpakuha kasi ang dalawa habang hawak ang kanilang mga balota.

For this ay ang daming nam-bash sa dalawa. Pinaalalahanan silang  bawal ‘yun during election time.

Agad-agad naming dumepensa ang supporters ng dalawa.

“Daming tanga. Hindi naman sa dinidefend silang dalawa pero, kakairita. Nakita ko HD pictures ng kay Kath, hindi pa naka shade ‘yung balota nya, at yung kay Daniel nasa loob ng Folder. Mema lang talaga yung iba,” said one fan.

Nakarating na sa isang Comelec official ang photo at  nag-tweet ito na gusto niyang makita sina Kathryn at Daniel dahil sa controversial photo.

Pero ang nakapagtataka, tila deadma ang ilang fans sa picture na ipinost ni Robin  Padilla. Malinaw kasi na shaded ballot na ang kinunan niya ng photo at ipinost sa kanyang Twitter account. Kaagad din niyang binura ang photo dahil siguro may nagsabi sa kanya na bawal iyon.

Ang kaso, lumabas pa rin sa social media ang shaded ballot ni Robin kaya wala siyang lusot.

Ngayon, anong magandang paliwanag kaya ang gagawin ni  Robin? At bakit tila naduwag siya at agad-agad na binura ang kanyang post?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …