PAGKATAPOS ng tagumpay ng Carlo J. Caparas’ Tasya Fantasya, para sa amin ay dapat agarin na ang follow-up TV project na muling pagsasamahan nina Shy Carlos at Mark Neumann.
Ang pinagsanib na puwersa ng TV5 at Viva TV ang nasa likod ng TV remake ng fantaseryeng ito, at dahil matagumpay ang alyansang ito ng dalawang higanteng kompanya, how about a rather serious acting vehicle para kina Mark at Shy?
Sa rami ng mga Viva movie na naglunsad sa tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion in the archives, maraming puwedeng pagpilian na babagay sa prized loveteam ng TV5.
It’s about time siguro both Shy and Mark graduated from their pa-cute image at mangahas gumanap ng offbeat roles without losing their appeal to the young audience na mahilig sa romance.
With such potentials in serious acting na hindi pa nata-tap, magandang bentahe ito for the Mark-Shy tandem to stay competitive in an industry dominated by KathNiel, LizQuen and JaDine.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III