MABABAW pala ang luha ni Liza Soberano. Napaiyak kasi siya sa hirap na pinagdananan ng isang female fan makita lang siya ng personal.
Ikinuwento ng fan ang matinding sakripisyo na ginawa niya para sa kanyang idol. Imagine, inabot siya ng walong oras sa Luneta, gutom, pawisan, nahihilo, at uhaw na uhaw. At one point ay gusto na niyang mag-give up pero itinuloy pa rin niya ang paghihintay dahil gusto niyang makita si Liza.
Nang finally ay nakita niya ang kanyang idol ay napawi lahat ng pagod, gutom, pagkauhaw, at pagkahilo.
“This is the sweetest thing I have ever seen. Thank you so much. For all the love, considering the fact that you probably have never met us in person. Thank you for inspiring me so much more right now. I wish I could just give you a hug right now to make you feel as loved as I do right now. I love you. And all the other people who made sacrifices earlier just to see you. It brings tears to my eyes. Seriously. Thank you,” say ni Liza sa kanyang Twitter account.
UNCUT – Alex Brosas