Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, wala pang time para humanap ng kapalit ni Lloydie

00 SHOWBIZ ms mLIMANG taon na simula nang makipaghiwalay si Shaina Magdayao kay John Lloyd Cruz pero hanggang ngayon, wala pa ring nababalitang boyfriend ang aktres.

Ayon kay Shaina nang makausap namin ito sa presscon ng My Candidate noong Martes, dahil sa kawalan ng oras at sa rami ng trabaho, wala na siyang oras para makipag-date.

“Kasi, grabe talaga, everday talaga ‘yung trabaho ko ngayon. And wala kasi ito sa plano for 2016. We’re doing second season of ‘Single Single’. Tapos, ginawa ko po ‘yung ‘Dukot’ with Paul Soriano and Enrique Gil. Tapos, sumabay ito (My Candidate), nauna pa nga ito.

“So, parang two months ako na kahit kaibigan ko, hindi ko na sila nakikita. Because dyinagel (juggled) ko nga ‘yung tatlo at once. Mahirap. So, parang wala talagang oras.

Ani Shaina, super inspired daw siyang magtrabaho dahil, ”Maybe because I’ve been given the chance to work with three of the youngest fillmakers in our industry.

“I mean, bagong generation. Pepe Diokno for ‘Single, Single’; Paul Soriano for ‘Dukot’; Quark Heneras with this one, ang fresh ng take nila kaya na-inspire ako to like really work and magkaroon ulit ng mga bagong goals. And again, I’m really thankful na nabigyan ako ng opportunity ng Quantum Films.

Sinabi ni Shaina na darating din na magkakaroon siya ng boyfriend at hindi namans iya nagmamadali dahil nga abala siya sa trabaho ngayon.

Ang kaibigan nga raw niyang si Nikki Gil ay siyang isine-set-up ng date pero ang schedule niya ang problema.

Ukol naman sa kung okey lang sa kanyang makatrabaho si Angelica Panganibanna ex-girlfriend ni Lloydie, sinabi nitong, ”Oo naman. Trabaho is trabaho at the end of the day. Mas lalo na kung maganda ang materyal. I’ve worked with John Lloyd sa ‘Nathaniel’,” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, ”Ah, five years ago, syempre, tao ka lang, eh. Naha-hurt ka. But totoo ‘yung sinasabi nila na you have to let go of the anger and the pain, not for that person but for yourself. Para maging okay ka. Para ikaw mismo, maka-mov on ka.

“And that’s what I did. ‘Yun ang trinabaho ko. Kaya siguro okay ako ngayon.”

Natutuwa naman siya sa magandang feedback sa team-up nila ni Derek Ramsay sa  My Candidate na showing na sa May 11. Kasama rin nila rito sina Iza Calzado, Nico Antonio, Ketchup Eusuebio at marami pang iba mula sa direksiyon niQuark Henares.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …