Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Poe vs Duterte sa Las Piñas City

MAGKASAMA sa partido sina Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar, at Vice-Mayor Louie Bustamante, sa partidong NPC kay senator Manny Villar, pero ngayong eleksiyon ay magkaiba sila ng panlasa sa presidente, si Meyor at kapatid niyang si Senadora Cynthia Villar ay suportado si Grace Poe bilang Presidential Bet, samantala si Vice Mayor Louie Bustamante at nakararaming miyembro ng Sangguniang Panlungsod ay suportado ang kandidatura ni Presidential bet Rudy Duterte!

Binay vs Roxas sa Parañaque City

Kung si Parañaque City Mayor ay suportado si Presidential LP bet Mar Roxas, suportado naman ng nakararaming Barangay Captain sa nasabing siyudad si UNA Presidential candidate Jojo Binay.

Iyan ngayon ang politika, hindi na pinakikialaman ng sinomang Meyor sa kalakhang Maynila, kung sino ang napipisil nilang maging Pangulo! Bakit!?

Eh wala naman pakinabang na ibinibigay, susuportahan sa mga miting na ipapatawag ng Alkalde, wala namang suportang pinansiyal na ibinibigay ang mga kandidato sa pagka-Pangulo!

Wala naman kasing kalaban si Meyor Edwin Olivarez, bakit naman siya magpapakahirap!?

Erap vs Lim

Isang bubuwit ko ang bumulong sa akin, na kinakabahan na umano itong si Manila Mayor Joseph Ejercito kay dating Manila Mayor Alfredo Lim.

At marami na umano ang bumaligtad kay Erap,dahil napagtanto nila na higit na mas mahusay na Mayor itong si Lim.

Inihalimbawa nilang mas lalong  dumami umano ang naghirap sa Maynila, mas maraming vendors sa Divisoria ang nagkalat, ang squatters na pinagdedemolis na wala naman lilipatan, e muling nagbalikan!

***

Nalaman natin na umaabot sa P11 bilyong piso ang badyet ng Maynila, pero idilat man ang mga mata, walang naging pagbabago. Ang mga proyektong iniwan umano ni Lim ay nabago, hindi ito mas gumanda, sa halip ay bumalik ang Maynila sa sobrang dumi at basura!

(Kung may sumbong o reklamo, mag-email lang sa [email protected])

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …