Friday , November 22 2024

Jen, lalong na-inspire maging aktres dahil kay Lloydie!

00 SHOWBIZ ms m“NARAMDAMAN ko ‘yung pag-aalaga at saka pagmamahal ng Star Cinema sa akin,” sagot ni Jennylyn Mercado sa tanong kung nahirapan ba siyang mag-adjust sa paggawa ng Just The 3 of Us kasama si John Lloyd Cruz handog ng Star Cinema at mapapanood na sa May 4, Wednesdy.

Sinabi ni Jen na hindi ganoon kahirap ang naging adjustment niya kahit first time niyang gumaw ang pelikula sa Star Cinema. “Siguro sa una medyo mahirap, iba kasi ‘yung environment from GMA7 to ABS-CBN tapos, Star Cinema. Pero bilib ako sa kanila kasi hindi nila pina-feel na ibang tao ako o taga-ibang estasyon ako,” giit pa ng aktres sa mini-presscon ng Just The 3 of Us na ginanap sa Greenwhich, Ayala Fairview Terraces noong Linggo ng gabi.

Sinabi pa ni Jen na hindi man lang siya nagkaroon ng agam-agam nang tinanggap ang offer ng Star Cinema.

“Aba’y bakit ako mag-aagam-agam pa?! ha ha ha. Walang agam-agam, sabi ko nga pagka-text pa lang sa akin ni Tita Becky (Aguila, manager niya), sabi ko ‘ay gawan agad ‘yan ng schedule’, ha ha ha’ ipinasingit ko talaga.”

Hindi naman nahirapang magpa-alam ng aktres sa kanyang mother studio, ang GMA dahil iba naman daw ang Star Cinema. “Iba naman po ‘yung Star Cinema, kasi ano naman siya movies naman, ibang usapan na ‘pag movies, ibang usapan din kapag TV network or shows.

“Wala rin po akong kontrata sa movies sa ibang company. Sa network lang po ako mayroong contracts. Sa movies po wala kaya nakagagawa rin po ako sa Quantum Films, sa Regal Films at sa iba’t ibang production.”

First time makasama ni Jen si Lloydie sa pelikula at sinabi nitong wala siyang ine-expect sa actor o sa kahit kaninong actor na nakatrabaho na niya.

“Wala, ayokong nag-e-expect. Gusto ko sinu-surprise ako palagi. Wala… pagtungtong ko pa lang sa set sa Star Cinema, walang expectation, kung ano ‘yung ibibigay nila sa akin tatanggapin ko, kung ano ‘yung ipagagawa nila sa akin, tatanggapin ko.”

At aminado si Jen na lalo siyang na-inspire maging aktres nang makasama si Lloydie. “Kasi pinanonood ko siya kung paano umarte, kung paano niya pinaghahandaan ang mga eksena, ano talaga very inspiring, gaganahan ka.

“Kailangan mong galingan lalo kasi may kaunting pressure sa akin. Kasi alam naman, nating lahat kung gaano kagaling na actor si John Lloyd. And bawat eksena ninanamnam ko ‘yun,” giit pa ni Jen na kahit pagod na pagod nang gabing iyon ay kita naman ang kasiyahan.

Sinabi rin ni Jen na ayaw niyang magkompara ng mga nagiging leading man niya. “Iba-iba sila ng personality at iba-iba ang galing nila,” anito.  “Ayokong I-compare si Lloydie. Kasi si Lhoydie, iba siya, iba talaga siya.”

At dahil laging pumapatok ang mga pelikula ni Jen (tulad ng English Only Please—2014 at #Walang Forever—2015), na pawang mga romcom (romantic-comedy) natanong ang dalaga kung sa Just The 3 of Us ay patutunayan muli niyang siya ang RomCom Queen ng Philippine showbiz?

“Naku! Hindi ko alam, basta ang masasabi ko lang ginawa ko ang lahat ng makakaya ko, ibinuhos ko lahat. Wala na akong pakialam kung pangit ako, mukha akong ano sa pelikula. Basta ang importante, nagawa ko ‘yung lahat ng ipinagagawa ni direk (Cathy Garcia-Molina).

“Masaya siya sa mga nagawa ko para sa pelikula at excited na akong mapanood ang pelikula kasi hindi ko napapanood kapag idina-dub namin kasi hiwa-hiwalay naman ‘yun.

“Excited na ako na mapanood sa Tuesday,” sambit pa ng dalaga.

Ukol naman sa kanilang director na si Direk Molina, sinabi ni Jen na sobra ang pagkabilib niya rito.

“Matiyaga kasi siya talaga eh. Kung ano ‘yung gusto mong maramdaman sa eksena sasamahan ka niya. ‘Pag kailangang malungkot, malungkot din siya para sa iyo. Kung masaya, ay grabe ang saya, ganoon talaga siya.

“Kasi kailangan maramndaman mo kung ano nararamdaman niya. Kung ano ang gusto mong iparamdam mo sa eksena gagawin niya para sa iyo para tulungan ka.

Hindi niya talaga ako pinababayaan kahit take 11, talagang tiyaga, take 12 ay naku tiyaga talaga, hindi nagagalit.

“Hindi po siya nagagalit kaya ganoon na lang ako ka-surprise na grabe ang patience talaga ni direk talagang hindi niya ako tinitigilan hangga’t hindi ko nakukuha ang eksena.”

Tampok din sa Just The 3 of Us sina Joel Torre, Maria Isabel Lopez, Ketchup Eusebio, Joem Bascon, Yna Asiostio, Victor Silayan, Fifth Solomon, Manuel Chua, PJ Endrinal, Michael Agassi, Josef Elizalde, Jed Montero, Lucas Magallang, at ang mga baguhang sina Paulo Angeles at Chuchay Jung.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *