MAGKAHALONG excitement at nerbiyos ang naramdaman ni Yen Santos nang humaharap kamakailan sa entertainment media para sa announcement presscon ng bagong teleserye sa Dreamscape Entertainment na “Because You Love Me” kasama ang dalawang leading man na sina Gerald Anderson at Jake Cuenca na pamamahalaan ng kilalang hugot director na si Dan Villegas.
Rebelasyon ni Yen, matagal na raw niyang pangarap na makatrabaho sina Gerald at Jake. Kaya naman dream come true para sa kanyang ang Because You Love Me.
Labis-labis ang pasasalamat ng Kapamilya actress kay Sir Deo Endrinal (business unit head) sa tiwalang ibinigay sa kanya para mapabilang sa teleserye na big blessing para sa kaniya. Kung tumatak sa TV viewers ang pagganap ni Yen sa “All Of Me” na pinagbidahan nila nina JM De Guzman at Albert Martinez, dito sa Because You Love Me ay lalo pang magle-level up ang pagiging actress ni Yen lalo’t very challenging ang gagampanan niyang papel bilang Elma, na manlalaro ng triathlon, na para sa pamilya at pangarap ay gagawin ang lahat para manalo at magtagumpay.
Kababata rito ni Yen si Gerald na Bata ang pangalan sa serye at kapareho niyang manlalaro. Makaka-love triangle ng dalawa si Jake Cuenca bilang Carlos na anak mayaman, sunod sa luho at ang pakikipag-compete niya sa triathlon ay para lang ipagyabang sa lahat.
Gagamitin ni Yen si Jake rito para sumikat at umangat sa buhay. Samantala nang tanungin si Yen, kung may love scene ba siya sa dalawang leading men? “Meron po at abangan nila ‘yan,” walang gatol na sagot ng magandang aktres na open na sa pagganap ng matured roles.
Ipinagmamalaki pala ni Direk Dan ‘yung lugar sa Mindoro na location ng kanilang soap. Nasa kabilang side raw ito ng Puerto Galera at fantastic ‘yung place. Wow maipo-promote pa ng serye ang turismo sa nasabing lugar.
Certified power house cast ang latest project ng Dreamscape na kinabibilangan rin nina Dante Rivero, Joel Torre, Tonton Gutierrez, Bing Loyzaga, Nico Manalo at ang nagbabalik Kapamilya na si Helen Gamboa.
Kaabang-abang nga ito gyud!
Magkasabay man ng playdate sa Mayo 4
JOHN LLOYD-JENNYLYN AT JADINE MOVIE
PAREHONG TATABO SA TAKILYA
Tahimik ang Star Cinema at mukhang hindi papatol sa kung ano-anong paratang na ipinukol sa kanilang numero unong movie out-fit.
Ang pinagtatalunan ay kung bakit nakuhang isabay raw ng Star Cinema ang first team-up movie nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na “Just The 3 Of Us” sa playdate ng movie nina James Read at Nadine Lustre na “This Time” sa May 4.
Naka-schedule raw kasi talaga ng April 27 ang showing ng Just The 3 Of Us na isang big hollywood movie na Captain America: Civil War ang kanilang makatatapat at sa takot raw ng nasabing movie outfit ay umatras sila at sasabay na lang sa pareho nilang local movie na This Time ng JaDine.
Para sa aming sariling opinyon, hindi naman siguro intensiyon ng Star Cinema na makipagkompetensiya sa pelikula ng Viva Films. Saka alangan namang pilitin nilang humabol sa nakatalaga sa kanilang playdate kung may huling araw pa na kukuhaan ang pelikula na sabi kaya nabitin ay dahil sa nagkasakit si Jennylyn.
Siguro kaysa pagtalunan pa ito, tutal pareho namang maganda ang dalawang pelikula at magkaiba naman ang offer ang Just The 3 Of Us, na para sa matured audience kasama ang mga karakter ng pilotong si Uno (Lloydie) at naanakan sa pelikulang ground stewardess na si CJ (Jenn) samantala pambagets naman ang summer love story na This Time.
So para wala nang argumento pa, pareho ninyong panoorin at tangkilikin ang mga nasabing movie na parehong maganda ang pagkakagawa ng mga director na sina Cathy Garcia-Molina (Just The 3 of Us) at Nuel Naval para sa This Time.
Saka pare-parehong may hukbo naman ng tagahanga ang apat na bida kaya wala naman dapat ikabahala sa resulta nito sa takilya. Unfair naman para sa Star Cinema na pagbintangan sila ng mga bagay-bagay na wala naman silang bad intentions.
Sister company ng ABS-CBN at bahagi ng departamento ng Kapamilya ang Dreamscape Entertainment na nagbigay ng malaking break sa loveteam nina James at Nadine sa “On The Wings of Love” tataluhin ba naman nila ito?
Maganda rin ang relasyon ng Star Cinema at Viva at mga pinagsososyohang project.
And one more thing, walang record ang Star Cinema pagdating sa pang-aagaw ng booking kaya nagkataon lang talaga ito.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma