#DAMAYKAMAYFOUNDATION. Ang goal ng grupo na nagtatatag nito kung kaya nabuo at natupad ay ang pagkakaroon ng Foundation para sa mga kapatid at kapanalig sa industriya na mangangailangan ng agarang medical assistance.
Hindi naman lingid sa atin ang nangyari sa aktor na si Julio Diaz na nagkaroon ng stroke at agad na kinailangang maoperahan, pati na ang mag-asawang Roni at Richard Merk na naaksidente kamakailan.
Kaya kinalampag na rin nila ang iba pang mga kasamahan sa industriya para mag-ambag ng kanilang mga hindi na kalangang gamit o damit, sapatos at iba pa sa isinagawang Celebrity Auction sa KARAMAY, noong Mayo 1, sa Pioneer street Market sa Mandaluyong City!
At ang isa sa unang-unang dumamay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga lumang sapatos niya na may silbi pa rin at magagamit eh, walang iba kundi ang komedyanteng si Vhong Navarro.
Spearheading this project is Vivian Velez with Peter Serrano and Harlene Bautista.
Binata ni Melanie na si Manuel Lito, susubukan din ang acting
SPORADIC acting!
‘Yan ang kuwento sa amin ni Manuel Lito Lapid, ang panganay na anak ng 1979 Miss International na si Melanie Marquez kay Lito Lapid nang makaharap namin ang binata recently na nagbabakasyon sa bansa mula sa trabaho niya sa Las Vegas, Nevada, USA.
At sa pagkakataong ‘yun namin nakita ang magandang pagpapalaki ni Ineng (tawag kay Melanie) sa kanyang binata na marunong pang mag-po at opo, napaka-gentleman at may kakaiba ring sense of humor.
Gusto nga ni Melanie na makilala rin sa mundo ng modeling si Manuel Lito dahil napakatangkad nito at good-looking pa. At kay Manuel Lito nanggaling ang mga salitang he wants to try sporadic acting. Kaya he will do acting workshops soon. Pero dahil mas sanay na siya sa buhay na kinagisnan sa Amerika eh, magbabalik-balik siya rito at doon just like his Mom.
Kung napaka-vocal ni Ineng sa kanyang ex na si Lito lalo na sa mga usapin tungkol sa kanilang anak, lalo lang kaming pinahanga ni Manuel Lito sa magaganda pa ring mga salitang ipinatungkol niya sa ama kahit pa taon na ang binibilang ng hindi nila pagkikita at pagsasama.
Bukod sa hilig niya sa mga kotse, Manuel Lito is also into drawing anime characters na minana naman niya sa ina who dabbles din in painting.
Para nga lang magkapatid o magbarkada ang mag-ina.
Heart, never daw papasukin ang politika
CHIZ’Y kinda love!
Laging umaapaw na sa mga tao ang Kamuning Bakery nitong aming katotong si Wilson Lee Flores. Dahil sa isinagawa niyang unique Pandesal Presidential Survey na nagsimula noon pang Marso na nagtangkang sumukat sa popularidad ng limang presidential candidates ng bansa.
Simple lang naman ang gagawin ng mga customer sa nasabing bakery. Bibili lang sila ng pugon-baked pandesal sandwich at inumin sa no. 43 Judge Jimenez st. corner K-1st street in Kamuning. At matatapos ito sa gabi ng Mayo 9, 2016, ang mismong araw ng halalan.
Corned beef pandesal with kape mocha ang Pan de Poe; longganisa with brewed coffee naman ang pan de Binay; chicken pandesal with kape Amerikano ang Pan de Roxas; spicy burger pandesal with hot chocolate ang Pan de Duterte; at tuna pandesal with kape latte naman ang Pan de Miriam. Para naman sa mga hindi pa desidido sa kanilang iboboto, mayroon ding ham and egg pandesal with brewed coffee na cartoon ni Mickey Mouse ang kasama sa Pan de Nada.
Nagpa-lunch si Wilson recently para sa Vice-Presidential candidate na si Chiz Escudero sa kanyang Pandesal Forum. Panay nga ang biro ni Senator Chiz kung mayroon din daw bang tanong para sa kanya ang mga pandesal doon.
Follow-up na lang sa mga naganap na debate ang mga tanong sa ka-tandem ni Grace Poe.
Ang isang malinaw, dahil hinahanap ng mga tao si Heart Evangelista, sinabi ni Senator Chiz na may usapan na sila ng misis niya na kung libre lang ito from her commitments sasama sa kanya sa pag-iikot sa kanyang sorties. Dahil napagkasunduan na raw nila noon pa na ang obligasyon ni Heart sa kanyang mother studio ang tututukan nito.
“At may usapan na rin kami o kasunduan na hindi siya kailanman papasok sa politika. Gaya rin sa akin maski pa kunin akong artista. Never na papasukin ko ‘yan!”
That morning, nagkaroon na rin pala ng audience sina Chiz at Grace saIglesia ni Cristo (INC) leader na si Ka Eduardo. Mga kinse minutos lang naman daw sila naghatag ng kanilang plano at plataporma sa naturang lider. At nakausap na rin nila ang iba pang religious leaders in the land gaya nina Quiboloy at Bro. Mike Velarde ng El Shaddai.
No bad blood, no bad words para sa kanyang mga katunggali si Chiz. Na mula ngayon hanggang sa Mayo 9, ay magpapatuloy lang daw sa pagpaparating ng kanilang mensahe sa kaya pang marating ng kanilang kampanya.
Genuine reforms and new ideas, hindi lang naman daw obsession nila sa nasabing mga personalidad ang focus ng KBC. But elevating the quality of public discourse sa bansa on current affairs, politics and other topics.
Still waiting sa pan de queso ko!
HARDTALK – Pilar Mateo